INDUCE LABOR
Totoo po bang masakit ma-induce? How was your experience po regarding induce labor
edd ko May 3 pero April 28 ng mga 5:30am nagising ako na parang nagddysmenorrhea, pg cr ko lumabas na mucus plug ko. okay pko dami ko pang nagawa bago kami pumuntang ospital pero masakit na likod at nag ccramps nako. pagdating sa ospital kinabitan nako ng dextrose tapos nilagyan raw nila ng pampahilab. mga past 8am to, 9am pumutok na panubigan ko 9-12pm active labor 12:09 lumabas na si baby. mas okay ma induce labor kesa un wait mo pa mas mahirap. mas pinadali lang pg nainduce ka pero feeling ko same feeling na masakit. pero for me as a ftm, ineexpect ko diko kakayanin ang labor pero para ka lang dinidysmenorrhea ng malala tapos jebs na jebs kana pg lalabas na si baby
Magbasa pamas masakit po induced pinilit kasing maghilab unlike sa natural na hilab,, based s experience ko kapapanganak ko lng sa 2nd ko induced ako sa pangany ko hndi kya msasabi kong mas masakit induced mas di mo maintindihan kung san banda ung masakit mas matindi ung contractions na mararamdaman mo.. d kita tinatakot basta prepare yourself and pray isipin mo worth it lahat ng pain pag nakita mo na si baby, god bless have a safe delivery ๐
Magbasa pa41 weeks and 4days ako nung induce labor pero nauwi din sa CS dahil inabot na ko ng 22hrs hindi pa din lumalabas si Baby at makapal pa din cervix ko and 1st baby. So far experience after 2hrs bago tumalab saken yung gamot more on pain sa puson ang naranasan ko hanggang sa nagpainject na ko ng painless dahil hindi ko na kaya tiisin at wala pa kong tulog dahil sa sobrang sakit ng puson ko.
Magbasa pamay early signs of labor nako pero i was induced. iinject lang un. kaya sinasabi na masakit dahil mas pinapabilis ang labor or contractions para mailabas na si baby. ang contractions ang nagpupush sa baby para lumabas. ma-induce or hindi, masakit pa rin ang active labor. slowly or matatagalan bago mag-active labor kung hindi mai-induce.
Magbasa paEDD ko nun ay Nov10. pero nag early signs of labor nako ng Nov2. 1am nagstart, punta kaming hospital ng 9am, nanganak ako ng mga 5:30pm. pagputok ng panubigan ni OB, dumumi na pla si baby sa loob.
ako po induced labor kasi mag 40weeks na pero no signs of labor. di ko maintindihan parang bigla na lang sumakit yung tyan ko ng sobra and biglang tuloy2 na ung hilab nia. mga 2 hrs lang ako nag labor,tapos less than 30 mins sa delivery room.hehe
oo ako non 5cm na tas ininduce ako first baby ko pero di ko kinaya yung sakit at nangangatog ako pati pag iniiri ko bumabagal heartbeat ni baby kaya ending na emergency cs ako ngayon 6days old na si baby
40weeks sakto kasi 2am palang non nag ko contract na ko tapos pagdating sa ospital 5cm palang pala kaya pinutok na nila panubigan ko tapos tinutukan pampahilab
induced labor po akin kasi stuck sa 2cm cervix ko tpos ngleak na panubigan ko. Sa awa po ng Diyos kinaya mailabas si baby kasi naka cord coil double loop sya. 39weeks and 3 days, 3.2kg
7cm di na gumalaw. Induced na, di ko na kaya para kong mamamatay sa contractions tapos hanggang 8cm lang kinaya ko. Sobrang sakit
nainormal mo ba mi or na CS ka?
sa akin totoo po un. 2nd baby ko induce ako
Mommy