talong
totoo po ba na pg kumain ng talong na violetmgkkabalat ang baby pg lumabas .. nababahala po kasi ako ng kain po kasi ako last week slmt po
Opo please wag ka na kumain ng talong. Ako naglihi ako sa fruit salad. Last week ng pregnancy biglang lobo tiyan ko, need daw mag pa cs na sabi ng ob ko. Ginamitan ako ng malakas na anaesthesia tapos around 6 hours yung operation. Pag gising ko tinanong ako ng doctor kung gusto ko na makita baby ko. Binuhat ng doctor papunta sakin. Nakatakip pa muna kaya di ko agad nakita, pero naramdaman ko malambot yung skin parang pwede mapunit, pero ang bigat at tigas ng bone structure. Tapos parang medyo mabilog din si baby, as in pabilog yung shape niya. Laking gulat ko pagbaba ng takip kasi Del Monte Tropical Fruit Cocktail in Light Syrup pala yung baby ko! Nilagay ko sa ref agad para di masira, sana umabot pa sa pasko pang noche buena namin! Eat healthy mga mommies!
Magbasa paHuhu, kung buntis ka besh di advisable ang pagkain ng talong hindi dahil sa magiging violet si baby. Pero eto yung puwedeng mangyari. Huhu ingat mommy. Basahin mo epekto ng talong https://ph.theasianparent.com/bawal-na-pagkain-sa-buntis
hindj naman yung pamangkin namin hindi naman kmakain ng talong yung nanay naging violet /dark green kulay nagkakataon lang sguro minsan kya naniniwala yung iba.
not true po. madalas po akong kumain ng talong ng buntis ako kasi may tanim kaming talong. hehe. hindi naman po color violet si baby.
Di po tunay. Pero bawas na po ng pagkain.sabi nakakarayuma daw yan sa buntis. Not sure po. Share lang 😅😊
Para sakin hindi totoo yan naging paborito ko noong buntis ako sa panganay ko yung talong prito pa at torta.
Hindi po totoo kasi nong nag buntis ako, kumakain parin akong ng ginisang talong
Hindi po totoo sis. Nung buntis ako paborito ko kainin eh talong
Hindi po. Ako hindi ako kumakain nun pero may balat si baby.
hindi. haha ako nga kmakaen nun ndadamihan ko pa