Dream about the baby gender
Totoo po ba na kapag napaniginipan mo gender ng baby mo, magkakatotoo yung panaginip na yun? Curious lang po ako, kasi yung kaibigan ko po nanaginip na boy baby niya kahit di pa siya nagpapaultrasound tapos nung nagpaultrasound, boy po talaga naging gender

Share ko experience ko sis nung di ko pa alam gender ng Baby ko. Sabik na sabik kami sa Baby Girl at pinagpipray namin kung sakali sana baby girl ang ibigay ni God samin. Then nanaginip ako nagpagender reveal daw ako sa Panaginip ko tas yung Baby ko Boy daw. Sa panaginip ko nalungkot ako nadisappoint. Tas kinaumagahan dinugo ako. Natakot ako kasi 5mos na ako nun. Naisip ko na baka nalungkot din si Baby na nadisappoint ako na boy sya kaya siguro dinugo ako at nastress din sya. Kaya sabi ko nun na "Lord God patawad po kung nadisappoint ako sa panaginip ko na Boy yung Baby ko sorry po. Di na po mauulit basta maging safe lang si Baby at di mawala samin kahit ano pa sya tatanggapin ko po ng buong buo. Tas that night din nanaginip ulit ako ganun ulit ang set up parang naulit lang nagpagender reveal kami pero this time girl na daw si Baby. Masaya ako pero sabi ko kay Lord salamat po Lord pero kahit ano pa sya tatanggapin ko po. Walang bahid na kaplastikan sa nararamdaman that time feeling ko tinest lang ako ni Lord kung ano magiging reaction ko kung Girl naman ang ibigay nya sakin. Then after 1week nagpaultrasound ako. Ang naging result Baby Girl ang binigay samin ni Lord di na sya panaginip real life na magkakababy Girl na kami. Sobrang saya ko kasi Baby Girl ang binigay ni Lord at mas sobrang Saya kasi healthy ang Baby ko. Sobra sobra ang pasasalamat ko kay Lord pero alam kong alam ni Lord kahit ano pa ang ibigay nya magiging masaya pa din ako at parehas lang ang magiging reaction ko. For me bonus nalang na Girl ang Baby ko kasi ang pinakaimportante sa lahat walang problema sa baby ko, kompleto sya lahat walang cleft lip o ano pa man. At ngayon 4days ko ng nakakasama si Baby ko. Sobrang bless ko at maaga ang pamasko ni Lord sakin. God is Good all the time. Atm Goodnight na daw sabi ni Baby ko. 😊😊
Magbasa pa



