Dream about the baby gender

Totoo po ba na kapag napaniginipan mo gender ng baby mo, magkakatotoo yung panaginip na yun? Curious lang po ako, kasi yung kaibigan ko po nanaginip na boy baby niya kahit di pa siya nagpapaultrasound tapos nung nagpaultrasound, boy po talaga naging gender

108 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Share ko experience ko sis nung di ko pa alam gender ng Baby ko. Sabik na sabik kami sa Baby Girl at pinagpipray namin kung sakali sana baby girl ang ibigay ni God samin. Then nanaginip ako nagpagender reveal daw ako sa Panaginip ko tas yung Baby ko Boy daw. Sa panaginip ko nalungkot ako nadisappoint. Tas kinaumagahan dinugo ako. Natakot ako kasi 5mos na ako nun. Naisip ko na baka nalungkot din si Baby na nadisappoint ako na boy sya kaya siguro dinugo ako at nastress din sya. Kaya sabi ko nun na "Lord God patawad po kung nadisappoint ako sa panaginip ko na Boy yung Baby ko sorry po. Di na po mauulit basta maging safe lang si Baby at di mawala samin kahit ano pa sya tatanggapin ko po ng buong buo. Tas that night din nanaginip ulit ako ganun ulit ang set up parang naulit lang nagpagender reveal kami pero this time girl na daw si Baby. Masaya ako pero sabi ko kay Lord salamat po Lord pero kahit ano pa sya tatanggapin ko po. Walang bahid na kaplastikan sa nararamdaman that time feeling ko tinest lang ako ni Lord kung ano magiging reaction ko kung Girl naman ang ibigay nya sakin. Then after 1week nagpaultrasound ako. Ang naging result Baby Girl ang binigay samin ni Lord di na sya panaginip real life na magkakababy Girl na kami. Sobrang saya ko kasi Baby Girl ang binigay ni Lord at mas sobrang Saya kasi healthy ang Baby ko. Sobra sobra ang pasasalamat ko kay Lord pero alam kong alam ni Lord kahit ano pa ang ibigay nya magiging masaya pa din ako at parehas lang ang magiging reaction ko. For me bonus nalang na Girl ang Baby ko kasi ang pinakaimportante sa lahat walang problema sa baby ko, kompleto sya lahat walang cleft lip o ano pa man. At ngayon 4days ko ng nakakasama si Baby ko. Sobrang bless ko at maaga ang pamasko ni Lord sakin. God is Good all the time. Atm Goodnight na daw sabi ni Baby ko. 😊😊

Magbasa pa
Post reply image

Hello po mga momshies, may pagkaWeird naman po yung panaginip ko, mukhang babae kasi talaga yung baby kaya ayun, sa pagkaExcite ko daw po, pinahikawan ko agad then nagulat si hubby kasi may balls si baby, then nagulat din ako at nagsisi na pinahikawan ko agad kasi boy pala. I'm craving for baby girl for our 1st baby pero kahit ano naman po ang ibigay, thankful kami kay God. Next month na po pala ko magpa-ultrasound for gender 😊

Magbasa pa

Momsh eto po, una nanaginip ako na baby girl si baby my karga ako baby girl. So lhat kami inexpect na baby girl na gang sa nung 5th month ko nanaginip nnmn ult ako napanaginipan ko si baby ang cute nga nya eh hehe tpos nka bihis na pang baby girl, pag open ko ng diaber nya ay my lawit baby boy pala pero naka bihis na pang babae. So ayun sa ultrasound confirmed ko na baby boy si baby hehehe

Magbasa pa

Ako nanaginip ako nung una girl daw baby namen. Ang gusto sana namin ni hubby ko ay boy muna. Kaya bago matulog nagppray ako kay Lord sana baby boy ang ibigay nya. At nakalipas mga ilang gabi nanaginip ako na boy daw ang baby namen and thanks to God after ng ultrasound ko baby boy nga sya😊 pray kalang mamsh palagi walang imposible sa kanya. πŸ˜‡

Magbasa pa
VIP Member

Ako during first trimester laging may baby girl sa panaginip ko. Once, may cardinal daw na bumisita sa amin at bago sya umalis he gave me 2 toys. Isang pink at isang blue. Later on batang babae yung nakita ko ang naglalaro ng toy na yon. Nag pautz ako last week and baby girl nga! Haha super happy kami ni partner kasi pangarap namin talaga eh girl.

Magbasa pa

Ako naman pinagpray ko talaga na sana baby boy na, girl kasi panganay namin. 😁 tsaka talagang tinanggap ko na sa sarili ko na boy sya, kahit may mga nagsasabing mukhang girl ulit.. Meron talaga ako nung ramdam na ramdam kong boy sya 😊 then nung ultrasound na, yun nga mangiyak ngiyak akong marinig na baby boy sya πŸ™

Magbasa pa

Sakin naman po Sabi ni Hubby last night napanaginipan nya na baby boy ulit baby namin. Then ako nakapanaginip una Kung panaginip baby girl dw sya. Then nanaginip ako ulit baby boy na naman dw anak namin. Diko Alam kung totoo Po, Kasi 16weeks 🀰 palang ako next visit ko sa o.b ko hopefully Makita na gender! ❀️

Magbasa pa

Ganyan din po ako. Nung bago pa nga ako mabuntis ilang beses ako nanaginip na buntis at nanganak daw ako tas ayun mga ilang month nalaman ko buntis na ako. Nung mga 1st month naman ng pagbbuntis ko lagi aki nananaginip na lumabas na yung baby ko at boy sya kaya nung nagpa ultrasound ako dina ko nagulat hahahaha

Magbasa pa
VIP Member

Same sakin. Nanaginip ako non 2 months pa lang si baby, yung husband ko may dala syang baby girl na mataba yung pisngi. So yun, parang natuwa ako non kasi gusto ko dij ng baby girl. Last week, nagpaulrasound ako 6 months na tiyan ko and yes! Girl nga si baby. πŸ˜‚πŸ˜Š

Im not really sure. pero nananaginip ako na twins ang anak ko. single lang naman pero kadalasan boy ang gender sa panaginip ko pero girl ang baby ko. i think not true. base lang sguro sa mga iniisip natin bago matulog kaya napapanaginipan