Ask the Expert: Managing BIG Emotions in Parenthood: Bakit ang bilis kong magalit at umiyak?

🗨Topic: 😫😡Managing BIG Emotions in Parenthood: Bakit ang bilis kong magalit at umiyak 🥲👶🏻❓ 🗓 Date: Wednesday, April 24, 2024 ⏰️ Time: 1.00pm - 3.00pm 🤱🏻🥲 💬Hi, I'm Kate Delos Reyes, Founder of Beacon and a Mental Health Advocate. Join me at the Ask The Expert session on dealing with BIG emotions in parenthood! 🥲😡🤱🏻Kasama ang theAsianparent team, tutulungan ko kayo na mas maintindihan ang ating emotional and mental health as parents. Pag-uusapan natin ang mga sumusunod: Bakit ang bilis kong magalit o umiyak nung naging Nanay/Tatay na ako? Bakit mas madalas na kaming mag-away mag-asawa nung nagka-anak na kami? Why do I experience BIG emotions as a parent? How do I properly deal with these emotions so they don't affect my child’s development? How do I know if I have Postpartum Depression or Anxiety? And more... See you!

Ask the Expert: Managing BIG Emotions in Parenthood: Bakit ang bilis kong magalit at umiyak?
45 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

hindi ko rin po maiintindihan Minsan ang sarili ko. sa lahat ng bagay naiinis agad ako kahit na nanahimik ang asawa ko bigla ko nlang nasisigawan ganun dn sa kapatid ko. nahihirapan Akong matulog sa Gabi dahil nagigising ng nagigising si baby ko naiiyak nalang ako 3 months na baby ko. usually pag my free time ako at tulog si baby nag gagantsilyo ako para mabawasan screen time ko at para malibang narin sa ganyang paraan lang ako kumakalma and Minsan nanonood nalang ko movie while carrying my baby nakakalimutan ko ung inis ko sakanya na iyak ng iyak pag nalalapag na.

Magbasa pa
2y ago

Maganda yung meron kang outlet -- paggagantsilyo at panonood ng movies. Kailangan natin ng mga safe ways to destress like those para mas ready tayong haraping yung root cause ng issues.