Pedia number
Is it too much kung hihingiin yung number ni pedia at magtanong sa kanya lalo na at may sakit si baby? Yung pedia kasi ng baby ko, ayaw ibigay number nya. Secretary nya lang. Tapos pag may questions kami hindi nya alam ang sagot. Need pa kami magsabi na "pwede mo bang itanong kay dra?". 😞
May right naman ang pedia na tumanggi, lalo na kung parang dinadaan nalang sa text, call or chat ang pagcoconsult ng sakit ng bata. I mean, kung clarifications lang naman tungkol sa reseta na gamot o kung anuman na may kinalaman sa sakit ni baby na ipinaconsult mo na sa kanya, eh pwede naman siguro kung for clarification purposes lang. Pero mga mommy, kung parang lumalabas ay parang consultation na sa iba't ibang nararamdaman ni baby, intindihin niyo rin si pedia. Knowledge po nila ang binabayaran natin, Professional/ consultation fee kumbaga. Nakakaoffend din kasi sa part nila kasi parang gusto pang makalibre ng serbisyo nila. Di ko sure kung nauunawaan niyo ang point pero ayun hahaha ooooorrrrr lipat nalang sa ibang pedia.
Magbasa paung pedia ni baby ko hindi nman... nung ngtatae c baby ko isang txt ko lng kng okey to call her ngrereply nman sya pag hindi sya bc, then ng ask din ako kng gnung pwedeng gamot sa pamangking ko ng covid.. sinagot din nya ko..minsan pa nung my prob. ung baby ko sa leeg nya.. sya pa Nang recommend ng doktor na puntahn.. pero pg minsan na ndi sya sure sa lagay ni baby need sya tlga makita physicaly ni doktor nya ang maganda pag sa pedia khit mahal, my kasamang. chek up kay baby, unlike sa center pag bakuna, bakuha lng.. pero pag sa pedia my vaccine ka na pwede ka pag my 1 on 1 kay docktor
Magbasa paBaka kasi mommy need mo magbayad after every consult. Ganyan pedia ng baby ko eh bawat tanong may bayad hahaha ewan pera pera lang tapos by schedule pa gusto, bakit? masschedule mo ba sakit ng baby😂 Ayun nagpalit kami ng pedia na mabilis at maayos kausap kahit may bayad sa initial, wala naman na bayad yung follow ups at mga tanong regarding sa sakit na yun hanggang gumaling si baby. sya pa mismo nangangamusta☺️ Basta nagchat ako, sasagot sya agad. Every consult talaga kahit online, may bayad pa din
Magbasa pahello po. may mga questions kasi ako regarding sa mga gamot na binigay nya. and hindi sya everyday nasa clinic. nakakaloka lang kasi, tulad nung nagreseta sya ng vivalyte. 2 klase pa la yun. ftm ako. i had to text her to confirm kung tama ba yung nabili kasi ayaw ko magpainom ng kung ano ano kay baby. si secretary lang nakausap ko. hindi rin nya alam sagot. eh wala din syang clinic that day and hapon na yun. we had to beg pa sa secretary to contact dra para mainom na namin si baby.. 😞😞
Magbasa paMagpalit ka na po ng pedia. Hanap ka iba. Yung approachable. Nakakastress mga ganyang pedia.
My reason po yan sila kung bakit # lang ng secretary yung binibigay. Tulad sa OB ko kaya number ng secretary yung binibigay kasi hindi always dala ni OB phone nya lalo na pag nasa OR sya or nag rounds. If my pagdududa kayo sa Pedia nyo pwede naman po kayo lumipat para maging kampante kayo 😊
Find a new pedia. Someone who will be more accommodating. Although Hindi naman obligasyon na ibigay ang personal number nila and kailangan pa din dumaan sa office/clinic hours. Pero if nahihiya or natatakot kayo magtanong, it’s best to find someone else na Mas magiging comfortable kayo.
Depende sa pedia. We can ask our pedia sa viber anytime. Pero isang tanong isang sagot lang din sila kasi busy din.. 😊 Except if may sakit po si baby. Might need online consult na tlga and may bayad na yun. Maybe try to find another pedia..
same case with us, we course schedules and questions through the secretary. i asked the questions and narerelay naman sa pedia and we get answers back. agree to others na if you are not comfortable,you can opt to change pedias
para sa akin hindi ksi what if emergency gusto ko lang malman kung mergent ba need na isugod or may home remedy pa na pwedeng gawin pero syempre depende un sa doctor may iba na willing ibigay ang number nila may iba na hindi
I dont know po pero parang same sa midwife sa clinic na pinagpanganakan ko, pag may tanong naman ako lagi nya sinasabi na punta nalang po kayo sa clinic. Ayun pag punta mo may bayad