Mali po bang nakiki argue sa anak na 3yrs old ka pag ayaw mo ang manga bagay na hindi mo gusto
Hi Marinel. May mga instances na hindi maiwasan ang argument sa anumang bagay at normal lang ito. Pero dahil 3 yrs old ang kausap natin, as much as possible mahinahon Tayo lalo nat limitado pa lang ang pang unawa ng mga bata sa ganitong edad. Pag dating sa pag kain, mainam na may masayang experience ang bata para hindi maging picky eater , maiwasan ang trauma at mas ma enjoy nya ang pagkain. Ipaliwanag sa simpleng paraan bakit kailangan kainin ang gulay o prutas or kung bakit ito lang ang pagkain. Sana bati na kayo ng anak mo 😊
Magbasa paHello. Wag po kayo makipag argue sa anak niyo kapag ayaw niya sa mga dapat na gagawin niyo, like pagkain, pagligo, pagtulog etc. Or kapag may ginagawa siya na hindi mo gusto. Gawin mong goal ang lagi i-explain sakaniya kung bakit hindi mo gusto yung ginagawa niya. Gawin mo ring goal na mahikayat at mapasunod sainyo ang anak niyo, nang hindi nagaaway or nagtatalo. Lastly kung hindi naman masama at hindi naman ikakasama niya yung mga ginagawa niya mas magandang hayaan na lang din.
Magbasa paNot exactly mali, but it's not really effective kapag emotional na sila. Tama lang na explain sa kanila bakit naging tama/ mali yung gawain. Pero once nagtrantrums na kasi sila, hindi na effective ang paliwanag, and you have to appeal sa emotions na nila. It's best to just keep your calm and wait for them to calm down as well.
Magbasa pa