Single Mom in the Making

Tinalikuran ng bf ko ung bata nung nalaman nyang buntis ako. Di nya daw aakuin ung bata. I was 5 months pregnant that time. Pero di totally naputol ung communication namin. Kahit pinagmumumura ko sya. Minamaliit ko pagkalalake nya. Pati pagkatao nya. He was there. Pero minsan nawawala wala sya. Once 4 days, then tumawag, asking if I was doing good, ung health ko. Then one time di sya nagparamdam ng 1 week. I just let him. Tinitiis nya daw ako. Kaso di nya daw kaya. Then naging okay ulit kami. Nagkita. He showed so much love and care. Binigyan nya pa kong pera pambili daw ng gatas ko. Binili nya lahat ng food na gusto ko that day. Pero di namin napag usapan ung tungkol sa pag ako nya sa bata. Kapag tinatanong ko sya about sa status naming dalawa he became uneasy di nya masagot. Hindi nya pa daw masagot sa ngayon. And I cant stand it. Ayoko magmukhang tanga na umaasa someday na magiging okay kami. He's leaving me hanging in the middle. Tinatry ko namang iwork out ung ganong situation pero di mapakali ung utak ko e. I dont want to settle in that situation. He shows he cares, palagi nyang pinapaalala ung gatas ko. Na kumain ako ng mga gulay at prutas. Sabi nya magfocus daw muna ako sa health ko at sa bata. Pero nag aaway talaga kami pag nagtatanong na ko tungkol sa relasyon namin. Ngayon nag away na naman kami. Tinanong ko sya kung mahal nya pa ko. Ayaw nyang sagutin. Napaparanoid ako. How come na hinahayaan nya kong matulog wondering if he stilll loves me or not? Any advise on what should I do? If ever na akuin nya ung bata, papayag ba ko kung hanggang sa bata na lang? Gusto kong ipagdamot ung bata sakanya if ever. Tanggap ko na din naman ung ginawa nyang pagtalikod at di nya pag ako sa bata. Please help me. ? 7 months na ko ngayon. TIA!

58 Replies

as early as now, i-fix mo sa mind mo na walang paninindigan ang lalakeng yan. Ask him straight. Kung gusto nya ba o hindi. Kung sasabihin nyang ayaw nya, cut your communication completely. Sabi mo tanggap mo diba? That is way better. Masakit kasi yang wala tayong hold sa taong gusto pa natin hawakan pero parang hindi sila sure sa sarili nila. You will end up hurting yourself. Mas sasakit pa yan kung lalabas na ang bata at makikilala sya. It will be very hard for you to let go kasi ang bata na mismo ang maapektohan. Ngayon na ikaw lang ang affected, decide and make him decide.

If he's unsure about being a father and what he feels towards you, let go. Of course it wouldn't be easy lalo't mahal mo yung tao hndi mo yan matitiis kahit sabihin mo sa sarili mo na tanggap mo or kaya mo but as early as now train yourself na ikaw lang, na wag na umasa kasi mahihirapan ka lang. Gather as many evidence as you can na nagpapakita na everytime na tinatanong mo sya about sa plans niyo para sainyo or sa baby ay umuurong sya para incase na maghabol may pang laban ka. Be strong, never settle for less and know your worth. God bless

Hi sis same situation before. Nanjan yung ayaw mo lumabas na disgrasyada ka. Pressure sa family mo and sa baby as much as possible ayaw mo bigyan ng broken family. Ganyan din nagcare sakin hoping na akala mo yun na.babalik na sya. Nilaban ko hanggang manganak ako. Pero there will come a time na mapapagod ka na lang and let him do whatever he wants to do.. And you will realize u deserve much better than him.. let it flow yung situation mo. Dont expect. God will lead you on the right path 😊 Kung hindi man sya, you will meet someone better

Momsh... madali mag advice kasi wala kmi sa lugar mo.. pero kon saka sakaling ako ang sa sitwasyon mo,, YES I WILL LET HIM Go, BAT mo naman ippilit ang sarili mo at c bby sa kanya? ano yun? bugso ng damdamin? na talisod sya.. na laglag brief nya at..boom.... nabuntis ka.. tas pagka kinabukasan waley na... wiz na ang love nya sau.. pd ba un?? at first it wasnt TRUE LOVE. its just a MERE FEELINGS... konnayaw nya.. cge di wag... hayaan mo sya.apply ka sa DSWD ng solo parent. my benefts un.. yaan mo sya.. mahirap ang M.U ,, malabong usapan

leave him.. parang pinapakiramdaman nya pa kasi kung gusto nya or hindi which is very wrong. when i got pregnant with my first child, para akong pinagsukluban ng langit at lupa. pero my then bf, sya ang excited na excited. magiging tatay na daw sya. yun ang point jan. napapagaralan naman pano maging mabuting ama, pero dapat sa simula palang may conviction na gusto nya maging ama. wag ipilit ang ayaw and yes, siguro dapat ngang ipagdamot mo ang bata. focus on yourself and the baby. paglabas ni baby, everything will feel right.

You just have to let go. He wont realize your value kung everytime na binibitawan ka nya at binabalikan eh bumabalik ka. Ang bait mo actually. kasi after nya talikuran ang baby nyo nakikipagkita ka pa rin and all sknya. Mind you sis baby mo ung ginanon nya. Walang mommy ang papayag na maapi at after madisowned eh okaay nalang ang lahat. Dont settle for less. Wag ka makuntento sa palimos limos ng oras sa lalaking yan. Self worth sis dnt forget that. You are better than this dear. Kaya mo yan. 😊

He cares for you and your baby PERO ayaw nya ng commitment, ayaw nya matali, ayaw nya ng responsibility. His love kung matatawag bang love un is not enough para panindigan ka nya. I dont think he deserves you. Let him go and make him realize his loss. You should also know your worth. However, wag mong ipagkait sa anak mo na makilala ang ama nya no matter how useless and g**o ung father nya. Mahirap lumaki na di nakilala ung isa sa mga magulang.

TapFluencer

Let him sis pwede kasing undecided sya sa lahat na yn. Tandaan mo Ang taong pag pinili ka NG Huong buo di ka hayaang magisip ng may Mali sa inyo, walang doubts dapat, wag ka magpakastress, bawal yan and nararamdaman NG baby Yun pag di okay Ang mommy. Better shift your energy to your health and to your baby. Kakayanin mo Yun maraming single moms na kinaya nila at mas successful pa sila sa pagbuhay sa mga anak nila 🙂 Godbless you sis. Kaya mo Yan..

VIP Member

concern nman siya , khit papano suportahan ka nlang muna niya sa lhat ng expenses at bgyan muna ng lkas sa lhatbng bgay na ggawin. siguro hndi pa syang handa maging ama, baka konting time pa para mapag isipan niya. late na ksi nila minsan nrrealize e. pero , mali dapat e kasi anjan yan e gnawa niya din yan pero sa ngyon mommy imbis na magpka stress ka isipin m nlng hndi ka nman niya totally na tinalikuran kasi kahit papaano anjan na nman sya.

VIP Member

im not confusing you mommy pro ung pinapakita nya sau wala kang assurance sknya then sa naffeel ko lng nmn ha my tinatago sya even though may malasakit sya sainyo ni baby pro mali prin ung nkahang ka lng sa relationship eh prang sooner or later kayang kaya k nyang iwan tlga. no need ung mga ganung tao. focus k nlng mommy ky baby tutal yan ang buhay ntn eh ung blessing na binigay stn. wag mastress mommy.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles