Co sleep
tinabi nyo ba si baby nung newborn sya o sa crib sya..
Nung nasa hospital ako dahil CS, nasa baby bed ng hospital si baby pero nasa room ko. Kinukuha ko pag pinapadede, pero sa baby bed sya natutulog. Nung nadischarge ako, sa crib naman. Inadvise kasi ng pedia ni baby na better if sa crib matutulog ng newborn dahil malaki ang chance ng SIDS pag katabi si baby sa higaan. Katabi lang naman ng bed naming mag asawa yung crib nya kaya okay lang. Nung nag 6 months na lang namin tinabi matulog sa amin si baby. 😊
Magbasa panung first week ni baby sa crib lang sya.. so binubuhat ko pa sya twing ibbreasfeed ko sya.. Eh ang hirap kasi cs ako..tinitiis ko yung sakit kapag yuyuko ako para buhatin si lo.. Nung 2nd week tinabi ko na lang sya sa kama at side lying nalang habang nagpapadede..
Nakatabi sa amin pag gabi tas pag umaga sa crib. Hindi ako komportable matulog pag di ko hawak yung binti nya or yung kamay nya 😊😂
katabi po kasi baka mag suka si baby or maglungad baka malunod di ako makkatulog pag di sya katabi its better to safe than sorry hehe
Co sleep po baby ko samin. Make sure lang po na clear yung paligid ni baby saka ilayo yung mga bagay na pwede matakpan ang baby mo.
Tinabi ko siya sa akin, nakakatakot kasi mamaya mag lungad siya, mas nakakatulog ako ng maayos pag nakikita ko siya hehe
pwede sya itabi mommy lagyan mo lang ng hotdog pillow both side and make sure na di sya madadaganan pag natutulog kayo
Yes po until now..she's 2months old..pero pag may gagawin po ako doon ko lang sya nilalagay sa crib
Co-sleep basta bago ko matulog maraming beses ko chinicheck lahat ng dapat icheck. para sure. haha
Yes momsh katabi pa din until now mag 4 months na si Baby. Super clingy niya. I really love it.