Bakuna sa MMR (Tigdas, Biki, at Rubella): Ano Ang Kailangan Mong Malaman

Tigdas Ang virus ng tigdas ay nagdudulot ng mga sintomas na maaaring kabilangan ng lagnat, ubo, sipon, at namumula, naluluhang mga mata, na karaniwang sundan ng pantal sa buong katawan. Ang tigdas ay maaaring magdulot ng impeksyon sa tainga, pagtatae, at impeksyon sa baga (pneumonia). Bihira na magdulot ang tigdas ng pagkasira ng utak o pagkamatay.   Biki Ang virus ng biki ay nagdudulot ng lagnat, sakit ng ulo, sakit sa kalamnan, pagkapagod, pagkawala ng ganang kumain, at pamamaga at malambot na salivary glands sa ilalim ng tainga sa isa o sa magkabilaan. Ang biki ay maaaring magdulot ng pagkabingi, pamamaga ng utak at/o takip ng gulugod (encephalitis o meningitis), masakit na pamamaga ng testicles o obaryo, at, bibihira, kamatayan.   Rubella (kilala rin bilang German Measles) Ang virus na rubella ay nagdudulot ng lagnat, masakit na lalamunan, pantal, sakit sa ulo, at pagka-irita ng mata. ‚Ang rubella ay maaaring magdulot ng arthritis sa hanggang kalahati ng kabataan at mga babaeng nasa hustong gulang. Kung magkakaroon ng rubella ang isang babae habang siya ay buntis, maaari siyang makunan o ang anak niya ay isisilang na may mga malulubhang depekto. Ang mga sakit na ito ay mabilis maikalat sa isang tao mula sa iba. Ang tigdas ay di nga kailangan ang direktang personal na paghawak. Maaari kang magkaroon ng tigdas sa pamamagitan ng pagpasok sa kwartong nilisan ng taong may tigdas nang hanggang 2 oras ang nakalipas.   Para sa dagdag pang impormasyon, bumisita sa: www.cdc.gov/vaccinesafety/   Mula sa https://www.immunize.org/vis/tagalog_mmr.pdf #ProudToBeABakuNanay #TeamBakunaNanay

1 Replies

TapFluencer

thanks for sharing mommy! sobrang importante ng bakuna

Trending na Tanong