βœ•

Anong mga karanasan niyo sa pagbubuntis?

Throughout my pregnancy I was very sick, with morning sickness all day every day from beginning to end. EDD: FEB 02 2022 (LMP,UTS) BIRTH: Feb 17 2022 (42 weeks and 1 day) I was so scared after my uts on the 4th of Feb my OB-GYN said I am already oligohydramnios, sobra na akong stress umiiyak na ako everyday, everynight, in addition to my stress is nauna pang nanganak yung pinsan ko kesa sakin at alam namin na mas nauna akong nagbuntis. Wala talaga akong balak manganak sa hospital kahit anong mangyari sinabi ko sa sarili ko na kakayanin ko, so pumunta ako sa lying-in kung saan ako nag preprenatal at kung saan ko talaga gustong manganak (dito rin ako nanganak sa pangalawa) pero sinabihan ako na "pag hindi ka pa nanganak sa Feb 9 mac-cs ka na, so dasal ako ng dasal pagdating 9 no sign of labor parin talaga, lalo nanaman akong na stress, naghanap ako ng ibang lying in kasi gusto kong mag pa ie kasi sa unang lying in kung saan ko gustong manganak hindi nag a IE kung walang discharge, so nakahanap ako in-IE ako sabi open cervix na ako 1cm, so nagkaron ako ng pag asa na malapit na ako manganak baka 1-2 days manganganak na ako, ayun wala nanaman, naghanap ulit ako ng ibang lying-in 🀣 Feb 15 nagpunta ako sa lying in kung saan nanganak ang aking pinsan, sinabi ko lahat na malaki na yung baby (3.6) at mag 42 weeks na sabi sakin "magpacheck up ka sa hospital or sa OB" parang hesitant na na tanggapin ako pero malakas ang loob ko kahit sobrang stress na ko 🀣 pag ka IE sakin makapal pa ang cervix ko at parang wala pa talagang balak lumabas si baby, kwinento ko sa kanya about kay Doc Bev 🀣 na karaniwan pag G3 umaabot talaga ng 42 weeks, sabi niya baka makapoop si baby, ok lang naman na makapoop siya yun lang baka makain niya at dumiretso sa baga, sabi ko naman hindi po kasi pag nakapoop si baby magkakadischarge ako ng green 🀣 according to Doc Bev nanaman yan hah 🀣 pero kahit ganun binigyan niya ako ng primrose at sinabihan na magtake ng buscopan kinagabihan nagka discharge ako ng brown pero as in parang guhit lang kaya baka kako sa pag IE niya, the whole day ng Feb 16 nagpahinga ako which is talaga namang the whole pregnancy halos higa lang ang ginawa ko 🀣 pero super active kasi ni baby that time at yung singit ko parang may maiipit pag nakatayo ako kaya hindi na rin ako nagpacheck upnsa hospital or sa OB, Feb 17 may kakaiba akong nararamdaman 🀣 hindi ko din alam pero basta iba yung pakiramdam ko, pumunta kami ng lying in past 3pm pagdating namin IE ako 2cm palang 🀣 so uuwi sana muna dapat kami pero may dinaanan pa yung partner ko malapit sa lying in ,mula pag alis namin ng lying in hindi na rin huminto yung pain paiba iba tolerable to distressful to horrible tapos mamaya very mild lang ganyan tapos pain free parang nanloloko, so around 4pm bumalik kami 4cm na at ang bilis na sabi ng midwife wala pang 10 minutes unimaginable na yung sakit 🀣 syempre after 10 years kaya maeng-eng nanaman ang lola niyo 🀣 may pasigaw na ako buti wala akong kasabay πŸ˜† maya maya 7cm na, past 5pm pumasok ako sa delivery room feeling ko walang katapusan ang paglilabor ko pero binibilin ko pa ang midwife na "Ma'am kahit anong mangyari please wag na wag mo akong ipapadala sa hospital kaya ko to, maeng-eng lang ako pero kaya ko,😁 pag humihinto yung sakit kung ano anong tinatanong ko " ako lang po ba yung ganito? maingay 🀣 sabi niya hindi naman pero isa ka sa kanila kaya natatawa ako, pati staff niya nadamay sa pag lilabor ko anjan na kakapit ako sa kanya,kukunin ko kamay niya para ipahaplos yung masakit 😣πŸ˜₯ ang sakit kasi talaga then nung naglagay na yung midwife ng lampin sa tyan ko sabi niya "Gerlie alam mo ba ang ibig sabihin pag naglagay na ako ng lampin sa tyan mo ibig sabihin anjan na, wag mong ubusin yung lakas mo kasi kung lalabas na hihilain ka ng labor kusa kang iire" 6:19 baby's out na 🀱🏻. Habang naglilabor ako medyo may takot sa dibdib ko baka kako hindi ko kayanin, my bestfriend died after giving birth last August kaya hindi niyo ako masisi kung ano ano ang pumapasok sa isip ko. Hindi ako takot mawala takot ako para sa mga anak ko dahil alam kong walang magmamahal sa kanila tulad ng pagmamahal ko. But God is Good dininig niya ang dasal namin at dasal ng mga anak ko. Dininig niya ang prayer ng midwife na nagpaanak sakin, yes po pinagpray niya ako during my labor 😊😘 Kaya nagpapasalamat ako kay Midwife FE SELMO APONGOL ng Paganakan Birthing Home dahil hindi niya ako pinabayaan at kahit alam kong mejo hesitant siya nung una dahil sa sinabi ko na mag 42 weeks na ako at isa pa napaka obese ko πŸ€£πŸ˜† pero naniwala siya na kaya ko 😍 at sa staff niya super thankful ako and kay Doc Bev Ferrer anlaking tulong ng mga post niya 😘 My Pink Jet landed in God's perfect time on her 42nd weeks weighing 3600g. Surrender all your worries to God, and have faith. Meet my THYME RYX ESTIMADA #worryingmom #3rdbabybutfeelslike1st

4 Replies

grabe mommy sobrang strong nyo po ako stress narin kasi gusto ko na makaraos takot din ako manganak sa ospital sana makayanan ko rin , parehas tayo ng iniisip hndi ako takot sa kung anong mangyari sakin takot ako maiwan yung anak ko dahil alam ko walang sino man ang tutumbas sa pagmamahal ko sakanila 😭

Pray lang mommy, at kausapin mo po lagi si baby.

Congrats mumsh! Ang lakas po ng loob nyo. Very inspiring at touching don sa bandang huli. Ang cute cute po ni baby nyo☺️☺️

Thank You momsh 😘

Ang cute cute naman ng baby mo po Hoping makaraos na rin ako πŸ˜… malapit na kasi ako mag 40 weeks next Tuesday.

having contractions today po πŸ˜… hoping makaraos na ako later .. no mucus plug pa kasi

wow congrats

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles