I'll answer your question po. 1. Kung aabot ba sa 70k ang mat benefit nyo? Depende sa hulog niyo sa SSS. Kung 18k ang sahod nyo monthly at kung sumusunod ang company nyo sa bracket of compensation, ang MSC mo ay 18,000 din. Para makakuha ng 70K, dapat ang MSC mo ay 20,000. If you want to be sure, you can check sa HR magkano ang hinuhulog nila sa SSS contribution nyo monthly pero most likely, sumusunod lahat ng company sa bracket of compensation so ang sagot diyan is NO, not 70K pero mataas pa din naman as long as 6 months ang papasok sa valid contributions mo. 2. Check or payroll ATM? If employed ka, si employer ang mag aadvance ng maternity benefit mo kaya papasok lang nila yun sa existing payroll ATM mo. 3. Isang bagsakan ba ibibigay? This is upon the discretion of your company. May companies na ibibigay ng buo (yun din nasa memo ni SSS) once nag start ang mat leave mo or may companies na kalahati muna ang ibibigay sa start ng mat leave mo then pag nakapagpasa ka ng MAT2, saka ibibigay yung kalahati. Mas okay if you'll ask your HR about their policy about it. 4. 105 days kasama ba restday? Yes. Calendar days ang binibilang, hindi business days so included dun sa bilang yung restdays mo. :)
Gian