Need help po para lang po malinawan at mabawasan yung iniisip ko.

Hi there mga mommies and doctors, Ask ko lang po if may nakakaalam sa inyo kung paano ipaliwanag yung result po ng first early ultrasound ko. So bale ang last period kopo is noong July 9, 2022. Sa mga nakaraang buwan po wala po akong nakakarelasyon o nakakasex man lang hanggang sa maging kami ng father netong pinagbubuntis ko ngayon. August 4, po may unang nangyare samin at doon pa lang po unprotected at talagang sa loob po nilabas nung partner ko, tapos pag ka August 9 po hindi na ako dinatnan, 2weeks after nung na delay ako nag pt po ako 2times at nag positive nga po. Tapos netong November 6 nagpa transvaginal ako, ang lumabas po sa result is 14 weeks and 4days so nung binilang po namin yung weeks mula nung first dou namin e sobra po nang isang linggo. Ngayon po ang iniisip nung sa side nung father ng baby ko na hindi sa anak nila yung bata at pinapaako ko lang. Malinis at alam kopo sa sarili ko na wala ho talagang ibang nakagalaw sakin kundi yung tatay lang netong baby ko. Nag research din po ako may lumabas po na may margin of error ng 1.2 weeks ang pwedeng maging result ng sa early ultrasound? Gusto ko lang po talaga mapaliwanagan kung bakit ganun po yung result, dahil sobrang anxiety na po yung nararanasan ko since that day na ganun po yung lumabas aa ultrasound. Thank you po in advance sa mga sasagot.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mejo late na nga sis ung transv mo eh kasi usually mga less than 10weeks yan dpat. Ska EDD is nagbased na yan laki ng baby na pangb14weeks na. If duda sya esi magpa DNA test kayo paglabas ni baby. I suggest, sama mo si hubby sa checkup mo pra maexplain ni OB at maliwanagan sya.

Related Articles