FREQUENTLY ASKED QUESTIONS

Hello there fellow mommies.. I just want to share kung ano yung mga natutunan ko kay OB, and napansin ko rin na usually un ung tanong dito.. Pwede din kayo mag add ng insights nyo para yung ibang mommies e ma guide natin,at syempre di narin paulit ulit ang tanong.hehe ✌ 1. Normal lang ba may discharge? -Yes po normal lang as long as walang foul smell at prang milkish yung kulay. Other than that, consult ur OB na po kasi baka infection na sya. Dapat po maagapan agad kasi according kay OB, isa sya sa nag ccause ng premature birth. 2. Ok lang ba naninigas ang tyan? -No po.. Akala ko din ok nung una,pero nung nalaman ni ob, di daw po dapat kasi baka mag open yung cervix ng wala sa oras,kaya pag napansin ninyo na madalas naninigas tyan nyo,consult po agad.kasi reresitahan kayo ni ob ng pang pakalma ng tyan to prevent yung paninigas.. 3. Ok ba to still make love w/ hubby? -ok lng nmn daw po,as long as hindi maselan pagbubuntis mo. .pero pag may vaginal infection ka, its a big no no kasi pwede lumala infection,magpagaling muna. 4.Ok lng ba magka sipon/ubo si mommy? Sa panahon ngaun,prone tyo sa sakit mga momsh.. Pero hindi normal na more than 3 days e may sakit ka parin.. Need mo na mag antibiotic.. Malaking epekto kay baby na may ubo at sipon tyo kaya kelangan agapan mga momsh..hirap din sila pag may sakit tyo.. 4. Normal ba ang spotting? -hindi rin po.any kind of spotting during pregnancy po ay hindi maganda.. So basta may bloody discharge ka e go na agad kay doc.kasi time is gold. Pwede malagay si baby sa alanganin pag pinatagal mo pa.. 5.is it ok to drink coffee? - as much as possible iwasan daw po kasi caffeine un.pero pwede nmn tyo mag sip,ma satisfy lang yung cravings, pwede kasi sya mag cause ng hyper acidity satin. 6.ok lng ba hindi gumalaw si baby in 1 day? - hindi po lalo na pag 6-7 months ka na.. Dapat may movement sya in a day kasi baka naka cord coil daw po si baby at nhirapan gumalaw.. Hmmm ano pa ba madalas itanong mga momsh? Share nyo din ?

9 Replies

VIP Member

Dagdag ko lang sis, 7. UTI and Antibiotics Never underestimate un UTI. Yung iba kasi natatakot magtake ng antibiotics dahil masama,sa baby which is wrong kasi in the first place hindi magrereseta ang mga OB ng hindi safe sa,mga preggy. 10 years nilang pinag aralan yan at may lisensya sila para lang itaya nila un name nila sa hindi safe na meds diba? PLUS UTI CAN CAUSE PRETERM LABOR. As per my experience, nagcause ng pag open ng cervix ko un UTI ko. Yung location kasi ng bacteria sa loob natin is malapit sa cervix natin kaya yun bacteria na yun ung nagkocause ng pagopen ng cervix ng maaga. Another thing is pag hindi natreat ang UTI, possible na mahawa si baby paglabas at may UTI siya. Ayaw naman po siguro natin na as early as pagkalabas kay baby mag aantibiotic na siya para magamot un UTI niya dahil lang sa hindi natreat un satin. 8. Cold Water Myth lang na nakakalaki ng baby ang cold water. Walang calories ang water kaya hindi lalaki ang baby yun po. Sweets at rice ang possible na makalaki ng baby pa. Pero dahil iba't iba tayo ng katawan, meron ibang mommies na kahit kumain ng sweets at madaming kanin eh sakto pa din ang laki ng baby. Kaya dapat laging in moderation lang po.

Yes sis. Mas okay na un safe both si mommy at ang baby.

As per my ob naman mga mommies Normal naman daw tumigas ung tiyan basta hindi lagi at nawawala agad usually kasi nagcocontract ung belly nain dahil malikot masyado si baby sa belly or napagod tayong mga mommies. Tinuruan din ako ni doc kung pano malalaman kung delikado na ba ug tigas ng tiyan Press and feel ur belly -kasing tigas ng noo - not normal bantayan niyo kung paulit ulit diretso na agad ob -kasing tigas ng nose - okay pa daw un -lips - normal belly feeling natin

Tama po yan meron kasing braxton hicks contraction na tinatawag ito yung paninigas ng tyan pero hindi matagal.. so normal na naninigas ang tyan lalo na kapag nasa 2nd or 3rd trimester na ng pagbubuntis kaylangan lang obserbahan ☺️

Dagdag ko dito, wag magdududa sa payo/reseta/advice ng OB. If may UTI at sinabing mag antibiotic, inumin at sundin religiously. Hindi naman magpeprescribe ang mga yan ng hindi safe sa buntis dahil pag may nangyaring masama sa baby natin due to incorrect prescription, tanggal lisensya nyang mga yan.

Yun nga. Minsan mas sinusunod pa nila sinasabi ng kung sino sino kesa sa OB na mas nakakaalam. Kung may angry react lang sa mga post dito lagi ako mag aangry react eh. :(

Sa akin sis naninigas bandang puson pero not more than 1min. Natanong ko ke OB sabi ok lang daw 26weeks na po ko.. Madalas pang tanong dito yung sa manas, yung sa pagtulog minsan ndi nakakatulog. Thanks sa info sis God Bless

Yup sis paulit ulit nga, i agree with that kaso kasi natatabunan dn kaya ung mga bagong member mgttnong ulit nian. Hehehe

VIP Member

Naku lagi na naninigas tummy ko sabi sa lying na malapit n daw aq manganak.

Ilang months ka na momsh? Pag kabwanan ok lng cguro, kasi ako 7 months palang, hindi daw normal in my case manigas tyan kasi baka premature lumabas si baby.

Thank you sa info sis

VIP Member

thank you ❤

VIP Member

Up

Trending na Tanong