Win a tablet cover and The Bad Guys shirt!

To win, click participate: https://tap.red/q43b0 Answer this question in the comments: “Ano ang kadalasang first impression sa’yo ng mga tao na hindi naman pala totoo?” Be one of the lucky winners!

Win a tablet cover and The Bad Guys shirt!
148 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Una nilang impresyon sa akin ay mayabang ako. Dahil siguro sa aking pananalita at sa pagdala ng aking sarili pag nasa harap ng ibang tao. Lagi akong napagkakamalang mahangin at hindi marunong makibagay sa iba. Nakakalungkot mang isipin na may mga tao na sadyang mapanghusga pero wala kang maggawa dahil iyon ang kanilang paniniwala. Bilang isang babae at nanay eto ang mga kadalasang na eengkwentro natin sa pangaraw araw na pamumuhay. Bagaman may mga pagkakataon na pakiramdam natin ay walang nakakaintindi satin ay dapat mas maging pursigido na ipakita sa iba na kung ano at sino talaga tayo. Para sakin, ang pagiging mapag kumbaba at pakikisama ng maigi ang susi upang mabago ang pananaw nila sayo. Hindi rin ako naniniwala sa katagang "First impression last" kasi habang dumadaan ang mga araw na mas makikilala ka ng kasama mo o kakilalala mo ay magiiba rin ang iniisip nila sa iyo. Ito man ay maging mabuti o masama, handa dapt tayo tanggapin ang mga ito upang mas maging matatag tayo bilang tao. Ako ay naniniwala na pagdating ng araw ay mababago rin ng pagpapakita ng mabuti sa kapwa, palagiang komunikasyon at pagiging totoo sa sarili ay maliliwanagan rin sila sa mga bagay na hindi nila naiintindihan sa pag uugali mo.

Magbasa pa