Tungkol sa speech delay

Thank you nga po pala sa isang nagcomment sa akin noon,2 yrs old po si baby nung nagtanong ako dito,2 yrs.old plang sya ngayon and 2 mo's.malaki po development nya nung lagi sya kinakausap,same po kmi may work ni hubby kaya hindi namin halos nakakabonding baby namin.stay out Yaya namin,kaya lang napansin namin na hindi nya gaanong kinakausap baby namin.nung umalis sya sa amin,nakakuha ulit kmi ng bagong mag aalaga,sinabihan ko na lagi kausapin.balak ko rin po sya ipacheck sa pedia kung hindi pa rin sya makapagsalita kahit maikling salita lang,nakakatuwa na nagsasalita na sya ngayon ng No,broom ,aw at minsan hnd namin maintindihan.kapag aawit kmi ng alphabet,dinudugtungan nya rin ang O ng letter P,kpag sinabi naming X,sasabihin nyang Y and Z .nakakasunod din naman sya sa simpleng utos namin

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yes, continue lang po sa pakikipag usap kay baby. kahit naglalaro, samahan sia sa paglalaro at ituro ang mga hawak na toys or anumang bagay lalo na ang favorite nia. pwedeng tumingin sila sa labas. kapag may nakitang cat or dog, ituro rin. cat ang first word ng baby ko na nakita nia sa labas ng bahay. unang utos na nasunod ng baby namin ay magtapon sa basurahan.

Magbasa pa
1y ago

mii true po, lahat ng nakikita natin sa paligid ituro natin kay baby kung anong tawag don kung anong pangalan. feeling ko kaya siguro may mga batang speech delay kasi kulang din sa time ang parents. importante po ang quality time with your baby. importante po ang makipag laro sa kanila kapag may time. lagi pong kasaupin. noon kahit di pa nakakapagsalita ang baby ko palagi ko siyang kinakausap saka tinuturo ang mga bagay na nasa paligid namin.

mii wag ka po magsasawa kausapin si baby at makipag play sa kanya. importante po ang quality time kasama siya🤗🥰