ANY TOOTHACHE REMEDIES??

My teeth became so weak now that I'm 14 weeks pregnant. Parang nabasag yung ngipin ko sa gilid at nagkabutas. Paunti-unti na lumalaki and sobrang sakit. I know bawal ang mefenamic and ayoko naman uminom ng paracetamol. Di ko lng matiis sakit. May alam po ba kayong natural remedies na pwede ma ease ang pain ng toothache? P.S ang OB ko is monday pa so hindi pa ako makarequest ng dental procedures sakanya.. I doubt na bigyan nya rin ako? help

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May calcium supplement ka po tinitake? Need kasi yun dahil naghahati na kayo ni baby sa calcium kaya nagkukulang na yung para sayo. Yun lang kasi bawal magtake ng mga, gamot pag preggy. Not sure lang din kung pwede pa magpabunot. After bunot kasi diba papainumin padin ng mefenamic at antibiotic. Nangyare sakin yan, mumog lang ng water with salt, nilalagyan ko ng toothpaste at bawang yung part na masakit.

Magbasa pa

ganyan din ako nun sis. nabasag din yung ipin ko sa bagang. di ako makakain nun ng maayos kasi sharp yung edge nya nasusugat dila ko. nagpunta ako sa dentist para ipabunot sana pero ayaw nya bunutin kasi preggy ako. pag unbearable na yung sakit, try mo pahiran ng vicks. ganun ginagawa ko nun. nawawala naman yung sakit. kaya lagi akong may dalang vicks

Magbasa pa
6y ago

eat ka din ng foods na rich in calcium sis. nag-aagawan kasi kayo ni baby sa calcium na nasa katawan mo. pag kulang ka sa calcium, kinukuha ni baby yung nasa teeth mo, bones ganun kaya sumasakit. so far okay naman na teeth ko, hindi na sumasakit. tsaka niresetahan na din ako ni OB ng calciumade kasi nga lumalaki na si baby. 😊

Ako noon 16 weeks preggy eugenol ang ginamit ko lagay sa bulak tpos ilalagay sa tooth n may butas then after nun nghingi ako ng clearance sa ob for tooth extraction kasi di ako makakain nag drop n ang weight ko sa sobrang sakit.. Kaya bumawi ako pag katapos ng tooth extraction kumain ako ng kumain..3 kg sya ng lumabas .. 4 months n sya ngyon..

Magbasa pa
5y ago

Same here pinayagan ako magpabunot basta daw wala pa sa third trimester.

VIP Member

Mine na try ko before, yung cotton na kakasya sa butas lagyan mo ng colgate,tpos lagay lqng sa butas na ngipin , that works for me before, yung feeling is parang namanhid lang yung sakit ng ngipin.. pero yung bawang now ko lang nalaman kso malalasahan un.

6y ago

Chrew!

Ganyan din ako dati pero pinayagan naman ako ng OB na magpabunot at pumayag din naman ang dentist. Yung mefenamic bawal sya sa third trimester na buntis pero kung wala pa pwede naman sya. Ask ko nadin sa OB mo kasi baka madamay pa yung iba.

Sis try mo yung bawang hiwain mo yung kakasya sa butas ng ngipin mo. Ganun ginagawa ko and very effective. 😊 Try to brush your teeth using sensodyne toothpaste nakakatulong din para mawala yung pananakit at pangingilo ng ngipin. 😊

6y ago

Ilagay mo sya Sis whole day then gamitin mo sensodyne toothpaste kapag mag toothbrush ka sa gabi. Tapos maglagay ka ulit bawang kinabukasan mo tanggalin. ☺ Ganyan lang remedy ko kapag di ko na kinakaya yung sakit ng ngipin ko.

Garlic po, sa may butas mo mismo lagay. Tiis lang din po. Ganyan ako nung first trimester ko. Buti ngayon di na sya nasakit. Thanks god. Im on my 28weeks going 29. At sana wag na sumakit ngipin ko di kase pwede magpabunot.

6y ago

Okay napo. Hehe di na sya nasakit

VIP Member

gargle ng warm water na may asin. tapos need mo na magtake ng calcium sis. kasi nagaagawan na kayo ni baby mo ng calcium kaya nagkakaganyan ka. sabihin mo po sa ob mo yang concern mo.

6y ago

kasi 14weeks ka pa lang sis kaya siguro di ka pa binigyan ng calcium. nagmimilk ka ba sis? para makatulong din sayo. tapos sabihin mo na nga sa ob mo na nafefeel mo na ung ganyan.. 😊

Sakin sis nagmomog ako ng parang medicine sya na pampalinis dala ng hubby ko tinunaw ko sa baso then kinainan ko ng lemon tinapat ko dun sa may masakit ..nawala namn..

6y ago

Thank you, sis! Anong medicine kaya yun? Sobrang pangingilo na prang lahat ng ugat ko tumitibok. Try ko na agad buti may lemon ako dito. Kahit lemon and sault siguro muna..

Garlic nilagay ko sa my sira ng ipin..mjo mtgal mwla pero effective..tas water w/salt mumog. Lage kanang magttoothbrush moms kase prone tayu sa t.ache 😥