baby ko

May tanong po ako may tunog po kasi sa ilong Ng baby ko mag 2months palang po siya paghumihingi siya tumutunog kala ko po may sipon siya na di Niya Lang nalalabas Kasi nag pa check up kmi sa center niresitahan siya Ng nss nebulizer pangpausok at salinase drops ginagawa ko naman po mag 1 week ko na ginagawa pero di pa Rin nawawala tunog Ng ilong Niya Wala naman lumalabas Ng sipon Wala rin naman po siyang ubo ano. Po Kaya Yun sa tingin niyo bat Kaya may tunog Yung ilong Niya na parang pang baboy pag huminhinga siya nag alala po ksi ako ksi parang minsan nahirapan siyang huminga pagnatutulog siya Kaya tinataasan ko unan Niya

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Normal lang yan lalo na sa mga newborn! Kasi ang mga babies, maliit pa yung mga nasal passages nila, kaya kahit konting mucus o kahit dry air lang, nagiging sanhi ng tunog. Minsan, kahit wala namang sipon, makakarinig ka ng ganun sa ilong ni baby. Na-experience ko rin ‘yan noong mga unang buwan ni baby. Ang ginawa ko lang, after feeding, pinatulong ko siya mag-burp, tapos ginamit ko yung saline drops para matulungan siya tanggalin yung mga dry mucus sa ilong. Kung wala namang ibang simptomas, wala namang dapat ikabahala.

Magbasa pa