Hello po mga mi..

Tanong lang po..I have a 3 year old son at ang galing niyang mag utos..Like ipapahanap niya lahat ng maisip niyang laruan tapos hihingi ng water,hindi pa nababawasan sasabihin nia milk nalang..Minsan naistress ako lalo sasabay pa kapag pinapabreastfeed ko ung kapatid niyang 8 months old..Share nyo naman po kung paano nyo po nahahandle yung ganito??Binibigay nyo ba lahat ng iutos niya??Thank you po sa sasagot....

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Dati na po ba syang ganyan, or baka nagseselos/ naghahanap lng ng pansin since dumating si bunso? Anyways, Sa tingin ko po ay nasa inyo na po na ifilter kung anong mga request nya ang reasonable at alin ang hindi. Sa anak ko (also 3yo), whatever his request, I make sure that he asks nicely. Hindi pwede yung pasigaw/ utos, he has to say "please", be polite and say "Thank you" after, otherwise ay hindi namin sinusunod gusto nya. Lately tinuturuan ko sya ng paggamit ng "paki". Kapag alam kong kaya nyang gawin, sasabihan ko sya to try do it himself first at kung hindi nya kaya, then saka ko sya tutulungan. We also empower and encourage him to do things on his own, kahit na mas madali if we just do it ourselves, tulad ng pag-toothbrush, ligo, bihis, kain, linis, cleanup ng kalat nya, etc. He's still learning pero so far, ok naman. So in short, hindi namin sinusunod lahat ng utos nya, kahit sa yaya nya, he has to be nice and respectful. Hindi kami nagpapa-bully sa bata, the adults are still in-charge.

Magbasa pa
1mo ago

Hello po mi..Yes po ganito po siya mag utos "Mama get the(tapos kung ano po yung pinapakuha nya)Daddy/Mama help..Daddy/Mama get milk/water..Ganyan naman po siya magsabi may Mama or Daddy naman po..Hindi naman po siya ganun dati..Neto neto lang po lalo kung nakita niya na binibreastfeed ko yung kapatid niya ganun na po siya..Kaya minsan sinasanay ko na din po siya na siya kumuha kung kaya niya lalo kung mga toys lang naman niya ang pinapaabot niya..Susundin naman po niya pero minsan gusto niya ako kukuha..Thank you po sa pagsagot...

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-5232430)

siguro po try to reassure him na may play time kayo together after i-breastfeed ang kapatid nya parang conditioning na magwait sya patiently at wag ka istorbohin. mukhang nagsseek po sya ng attention kasi.

1mo ago

ano po bang ginagawa nyo after nyo magbreastfeed? baka po nageexpect sya na sya naman ung may time with you after ng kapatid nya kaso di po nangyayari kaya po sinasabayan nya ng utos utos (but for me, di po sya utos but telling you he needs you din po)