Immunisation Reactions

Hi. Tanong lang, may nabasa kasi akong comment sa isang mommy dito na pag wala daw reaction si baby after nabakunahan hindi daw effective yung bakuna niya. Is that true? Nagpa bakuna ako kay baby nung Wednesday and until now parang wala lang si baby other than mas naging clingy siya ngayon. Wala siyang fever, diarrhea, redness at loss of appetite which is good.

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Depende po mommy. Usually yung mga gamit na vaccines sa private hindi na nakakalagnat tumitigas nalang yung part kung saan nag inject. Ganun po yung sa baby ko at sa isang friend ko. Pero yung ibang vaccines na galing sa center nakakalagnat. Ganun naman po nangyari sa baby ng dalawang friends ko na sa center nagpavaccine. Then minsan depende po talaga kay baby.

Magbasa pa