BM

Tanong lang mga mommy. Nag pump kasi ako kanina mga 9pm. Wala pa sa 1 oz yung napump ko na milk kaya nilagay ko nalang muna sya sa bottle na mismo ni baby tapos nilagay ko sa ref since tulog pa naman sya. Halimbawa po ba mag pump ako ulit, pwede dun ko nalang din ilagay sa bottle kasama ng una kong pinump? Tapos kapag ba ipapa-dede ko na kay baby, hihintayin pa mawala yung lamig?

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes momsh. Hihintayin mo talaga mawala yung lamig dun. Pero I suggest na kapag mag lalagay ka ulit sa ref, I suggest na sa ibang bottled na lang ulit since mas nauna mo ma pump yung nauna sa ref. Para din kase just incase na mapanis agad yung isa, atleast may reserba ka pang iba. :)