first mom
tanong ko lng mga mommies ilang weeks po ba halata lumaki yung tummy nyo?
Saken mag 6months na pero parang bilbil oarin pero malikot na hihi exited na ko lumabas bby girl ko. Pag kumakaen ako dun lang sya lumolobo pero ilang oras lng wala nanaman yung laki nya hehe
Same here i am very worried bakit maliit pa ang tummy ko .. tinatawanan na lng ako ng partner ko kase gusto ko ba daw na malaki ang tiyan ko the whole hahahah Yay im not alone pala πππ
Sakin 5months naging visible bump ko Pag check up ko syempre nakahiga maliit lang tiyan yun yung size ni baby pero pagnakatayo nako malaki na kasi may bilbil ata π
17 weeks . Di pa halata sakin. Kasi di pa alam ng parents ko. Ngayon 22 weeks na, medyo malaki na konti π
12 weeks po meron na ako baby bump.. marami na rin kakilala nagtatanong if preggy daw po ba ako.. π
Aken parang 6th month na nung medyo halata. Maliit ako magbuntis π siguro kasi panganay ko palang.
6 months nung sakin parang Busog Lang ako π biglang laki sya nung mga 7 to 8 months naπ
depende po sa katawan ng babae :) ung iba kabuwanan na pero ang tyan parang 2months lang ..
Akin po 5 mos.na bukas pero parang bilbil lang po. Medyo na woworried nga din ako e . Hehe
3 months halata na sya flat chested kasi ako eπ π masmalaki yung tyan kesa sa dibdib