Curious

Tanong ko lang po mga momshies, first time ko po kasi then sa nov. pa po ako manganganak. Kinakabahan po kasi ako pag iniisip kong hinihiwa daw yung sa pempem kapag nanganganak. Lahat po ba talaga ng nanganganak ay nahihiwaan sa private part? Ano pong feeling? Paano niyo rin po ginagamot?

41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi po lahat. Depende po sa laki kasi ng baby. Pero usually meron talaga kesa raw kase kusa syang mapunit, mas delikado. If natatakot ka talaga, try mo po painless. Yung may epidural. Dagdag po sa cost yun pero di mo mafeel yung pag-gupit sa pempem. Ganun ginawa ko sa 1st baby ko. Pero sabe naman nila di mo na mafeel yung pain ng paggupit kase banat na banat na yung pempem natin nun. Saka gugustuhin mo na lang mailabas talaga si baby hehe. Mej scared din ako kase nga sa 1st baby ko nag-epidural ako pero ang catch kase eh hirap na hirap akong umire nun kase di ko na nararamdaman saka pagod na ko. Ngayon sa 2nd baby ko, ayaw na ko pag-painless ng OB ko. So kabado me hehe

Magbasa pa
5y ago

Ask ko lang may side effect ba yung painless? At hm namn po ang cost nun hiwlay pb yun sa bayad ?

Wala kana pong mararamdaman dahil parang manhid na ang katawan mo sa sakit kakairi. Naramdaman ko lang ung parang gumupit ka ng balat ng pork ung tunog nya,ung parang makunat na ewan. Tapos ung tahi di na masakit kc ininject ako ng anesthesia,ang naramdaman ko lang ung bawat paghila ng sinulid. Pero all in all parang wala ka nang pake sa sakit eh kc ang gusto mong mngyari nalang eh matapos na lahat. 🤣Sakin nga po hanggang butas ng pwet ang hiwa. Pinapahugas lang ako ng Naflora na green. 😊

Magbasa pa

Ako hiniwaan din di mo na mararamdaman pag hinihiwaan kana eh kasi sasabay na yung sakit sa paglabas ni baby haha,masakit nung tinatahi na ako kahit may anethesia ramdam ko pa din, mahirap lang pag tapos ,hirap umupo baka matanggal tahi,ang ginagawa ko nun nagpapausok ako sa dahon ng bayabas na pinakuluan tatapat ka dun para mabilis maghilom ang sugat,tapos betadine na color violet gamitin mo para mabilis matuyo sugat

Magbasa pa
VIP Member

depende ata momsh kng kya mo, ako kc nkita ng ob n mdyo d ko kya kya sinabihan ako n pupunitan, nag ok nmn ako, kaso sinabay ung punit nung humilab tyn ko then nailabas ko n c baby nun, ayun pati tahi nararamdaman ko kc konti lng anesthesia nilagay s akin, betadine femine wash lng dn ginamit ko pang hugas mabilas nmn gumaling ung tahi,

Magbasa pa

Ako kasi di ko na naramdaman yung hiwa dahil sa sobrang sakit ng labor. Wlang wala yung pain ng contractions sa hiwa. Nung tinatahi, yun yung ramdam ko dhil wala naman akong anesthesia nun. Binibilang ko pa sa isip ko yung stitches kasi masakit nga haha. Pero tolerable naman yung pain.

VIP Member

Hindi lahat depende sa laki ng ulo ni baby at ng dadaanan niya. Pero mas maganda yung hihiwaan kesa yung kusang mapupunit kasi mas sabog yun at pwede umabot hanggang pwet. Anyway di mo na daw halos mararamdaman yun kasi sabay sa pag-ire mo yung paghiwa at may anesthesia naman.

VIP Member

Yung hiwa momsh hindi mo talaga siya mararamdaman kasi mas masakit ang labor compared sa hiwa. Tsaka mo lang mararamdaman yung sakit pag tinatahi kana. For me mas masakit ang tahi keysa sa labor. Tsaka wag ka pong kabahan, kasi nakakapanghina yun. Think positive lang momsh

hindi mo nmn mramdaman ung hiwa kasi ung hilab ng tyan mo doon ka na nkaconcntrate, ang pghilom nlg siguro, ako 2days na ospitl every morning my nilalagay cla na ilaw pipainitan ung pem2 para gumaling agad sugat den pgmklabas ka na fem wash nlg po. . .

depende un mom kc ako first time ko rin and meron din akong cut. Hindi ko naramdaman ung sakit kc focus ako sa pag lalabor ko kaya d ko namamalayan na cinut na pala ung private part ko. Kusa siyang gagaling at saja wag kang kabahan.

Depende ata sis, ako d ko na naramdaman e pero hanggang anus hiwa ko kasi malaki ulo ni bb, medyo masakit nga lang talaga lalo na recovery period. While delivery d ko naramdaman kasi naka epidural ako nun