EDD:JUNE 11 2021 DATE OF BIRTH:MAY 28 2021 VIA REPEAT C-SECTION😇🙏
Tanong ko lang po mga mommy kung ano po ginagawa nyo para mabilis maghilom ang pusod ni baby ? alcohol lang po ba talaga lang kailangan ilagay. kagabi po kasi nilagyan ko ng betadine yung pusos ng anak ko yung may bulak kasi natakot po ako parang mststanggal po kasi may bigkis naman po sya kaso nagagalaw po sa likot nya. 😩 kaya kagabi betadine po nilagay ko. pahelp naman po. thankyou po😇
alcohol araw at gabi. wag iipitin ng diaper po. itiklop ung diaper para di masagi ung pusod. after a week or 2 matatangal na yan ng kusa.
cotton buds lagyan mo ng alcohol panglinis ng pusod..never ako gumamit ng bigkis..tsaka yong pedia nagtotoro naman sila paano gawin.
via C's Rin ako 😃 Betadine po mamsh effective para madaling gumaling, every tapos ligo ko LNG lalagyan once a day LNG🤣🤣
Alcohol lang po then kapag pinunasan mo wag na ulit ibabalik, huwag din hihilain, kusa rin matatanggal after 1 week 😊
Greencross 70% alcohol before gamit ko sa son ko. NONE MOISTURIZER po and wag takpan ng bigkis para mas madaling matuyo.
in our case alcohol lang nilalagay ko nung newborn daughter ko. may part po talaga sa pusod na magpofall off.
Linisan po ng alcohol everytime magpapalit ng diaper si baby. Iwasan din po mabasa kapag pinapaliguan 🙂
alcohol lng po.3x a day.no cotton buhos po tpos ingatan nlng na wag matuluuan ung anu ni baby
Wag po bigkisan lagyan lang po ng Alcohol at tanggalin mga excess na dumi sa paligid ng pusod
sakin 70% alcohol Lang ginamitan ko ng cotton buds after 3 days na tanggal na pusod nya.