Sakit ng balakang.

Tanong ko lang po kung normal po ba sa 17 weeks ang sumasakit yung balakang na parang namamaga na? 2 days na po sya ngayon, ang hirap po bumangon at kahit unting galaw, di po kaya sa pagod, kasi naglaba po ako noong nakaraan, kasi simula po ng nalaman namin na buntis na ako, binawal na po sakin ang maglaba, pero no choice po ako at may mga basahan po na kailangan labhan, medyo natambak na, kaya naglaba po ako, at may katagalan din po na naka yuko, tapos po kahapon naglinis po kami ng buong bahay kasi lilipat po kami. Kaya parang nabugbog po sa pagod katawan ko, di po kaya yun ang dahilan? Worried po ako dahil sinabayan pa po ngayon ng sipon at ubo. Patulong naman po salamat, first time nanay po ako.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nako momsh doble ingat at magpahinga. Kasi mahirap na at 2nd trimester ka palang. Normal lang naman yung sumasakit balakang mo. Ganyan din ako nun di ko kasi matiiis hindi maglinis o maglaba kahit buntis ako kaya napapagalitan din ako pero doble ingat ka lang lagi at take ample rest momsh kasi dalawa na kayo ni baby syempre mahirap na.

Magbasa pa
5y ago

Sige po marami pong salamat.

VIP Member

Baka nangawit mommy pero kasi 2 days na at masyado kang natagtag baka medyo bumaba si baby. Kapag di pa po nawala go to your OB na po para macheck na. Ingat po kayo lagi mommy eh dont do heavy chores po.

5y ago

Ay maraming salamat po.

Related Articles