Dumumi o umire?

Tanong ko lang, napaka constipated ko mga mamsh yun tipong lalabas na talaga yung hindi tao tapos babalik pa siya. 39weeks preggy na po ako natatakot ako baka hindi ako marunong umire at babalik si baby

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

ako mommy constipated ako bago pa man ako mabuntis kaya nung nanganak ako feeling ko dumudumi ako ng napakalaking pupu hahaha. feeling ko nakatulong ung pagiging consti ko. pero tip sa pag ire antayin mo po sabihan ka ng ire bago ka umire, umire po ng walang tunog hingang malalim then ire ng walang tunog bilang ng 10 counts. basta sunod lang po sa magpapaanak. kasi sabi sken ng byenan kong midwife, wag akong iire hanggat d snsbe sken ng doktor na ire. kahit masakit mami wag mo puputulin ire mo kasi babalik sa loob si baby hahaba ang ulo.

Magbasa pa

Kaya mo yan mommy! Tutulungan ka naman ng OB at mga nurse para maayos ang panganganak mo. Tiwala lang po. God bless! 😊