H. Mole/ Kiyawa

Tanong ko lang mga momsh, sino pong naka experience na nagka kiyawa kase advice po ng OB sakin pag dinudugo lang daw po ako pwede iraspa at nong pag IE sakin close pa daw po yong cervix ko. Mga ilang buwan po ba dinudugo or may pwede inumin para pampadugo. At pa'no if hindi duguin maghihintay pa po akong 9 months para siya kusang mailabas.😭 TIA and Godbless.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi po. I also have H.Mole way back 2017. Nung akala ko buntis ako at delayed na ako ng 1week ngpacheck na ako agd sa clinic. Pag ultrasound nakita na h.mole sya. Then that time dinudugo na po ako. Usually po kase may spotting ka na dapat kase ako po sobrang dami ng nllbas na dugo. Hndi po yan pinapatagal sa loob ng tyan mo kailangan alisin. Then icoconfine po kayo for D&C(or raspa) may mga iinsert, iinject at ipapinom po tlga para mg open amg cervix mo. Para ka ding nanganak mommy. Kaya pray ka lang. Sobrang depression naransan ko that time. Sana po makatulong 🙂

Magbasa pa
2y ago

Musyta kana po after H. mole experience? okay ka na po ba ..same situation po here salamat sa update 🤗☺️