1month baby gusto lagi karga pag ibaba siya nagigising agad
tanong ko lang mga mami ano kaya pwede Gawin Mula 8am-6pm ganto kami ni baby mins lang gising agad siya pag binaba ko ang babaw ng sleep nya pag hinihiga ko siya sa higaan pero kapag nasa dibdib ko siya tulog na tulog siya, sa gabi naman po nagpapalapag siya
ganyan anak ko nung baby pa sia. matagal ko siang buhat habang tulog para makatulog ng mahaba. kapag mahimbing, dahan-dahan kong ibababa. hindi ko muna tatanggalin ang kamay ko. kapag mahimbing na ulit, dahan-dahan kong tatanggalin ang kamay ko. sasangatan ko ng unan nia sa ilalim ng legs, kung saan dapat andun ang kamay ko. sa tahimik at malamig/preskong lugar namin sia pinapatulog.
Magbasa paNormal na normal po yan. Hindi po totoo yung sinanay sa karga kaya ayaw na magpababa. Try niyo po iresearch yung about “contact napping”. Eventually, maaoutgrow din naman ni baby yan. Cherish every moment lang mi na gusto ni baby na parating nakadikit sayo and hinahanap hanap ka niya. Sarap kaya sa feeling niyan bonus pa yung nakakaadik na amoy ni baby hahaha
Magbasa pahindi po totoo ang nasanay sa karga kaya ayaw magpababa. Nasanay po si baby sa tyan ntn ng ilang months mommy and naghahanap po syang comfort since bago po sakanila yung environment paglabas nila. Normal po yan. Sanayin mo sya mommy sa white noise. Mas mainam di po if try nyong mag swaddle feeling nila nasa loob pdn sila ng tummy.
Magbasa paSwaddle mo mi normal po sa baby ang palaging msgpabuhat since nagaadjust sila nung paglabas nila ng tummy natin pagtungtong naman ng 3 months e mawawala na rin yan
ganyan baby boy ko nung 1-2mons pero pag pasok ng 3mons aba di na pakarga .. nakakasabay nrin samen matulog. normal na stage lng yan sis. marami tau nag daan jan😇😇
try nyo po sya iswaddle ganyan din si baby ko mababaw ang tulog pero everytime na nakaswaddle sya nakakabuo sya ng sleep
Ganyang ganyan din po baby ko hanggang ngayon turning 4 months na sya. Tiis lang po sa pagkarga. 🙂
Ibig sabihin lang niyan naghahanap sya ng comfort. Tiis lang muna at lilipas din nman yan sis.
masyado po nasanay baby nyo sa karga kaya ayan po hinahanap nya po ang lagi karga..
thank you po sa lahat ng sumagot♥️♥️