Lindol
tanong ko lang, diba sabi2 pag lumindol dapat agad maligo ang buntis? What if mahina lang ang lindol tapos di mu na pansin na lumindol , late mo ng nalaman na lumindol pero dika naka pag ligo agad. O sa sabi2 pag malakas ang lindol dun din yung dapat maliligo ang buntis? or pwd din ba if nasa byahe ka tapos lumindol pag dating mo sa bahay dun kana agad2 maliligo. o dapat ligo agad pagkatapos ng lindol.?
Nung lumindol ng malakas sabi agad ng ante ko sakin maligo daw ako..tinanong ko kung bkt..para daw hnd maging abnormal ung baby ko..ako nmn nirebuke ko agd ung pamahiin niang un..hnd ko tinanggap..ok nmn si baby ko ngaun..healthy and walang kht anong nangyari saknia..ang sakin lang po ha, ung sinasabi ng iba n wala namang mawawala sau kung susunod at maniniwala k sa pamahiin, para po sakin hnd un totoo..kasi MALAKI ang mawawala sau.kpg lage kang naniniwala at sumusunod sa pamahiin un na ung nagpapatakbo ng buhay mo.kumbaga nakadepende kn dun.na d mo pwd tong gawin kasi ganito ang mangyayari..ayy hnd pwd tong ganito kasi ganito gnyan ganun..un n ung nagtatakda ng dpt mong gawin.nawawala ung freedom and peace mo.ako po sa totoo lang, napalilibutan ako dto ng mga kamag-anak na mapamahiin, pro hnd ko un pinaniniwalaan.dpende nlang kung health issues ung may basehan gnun..isa lang po kasi ung pinaniniwalaan ko..Prayer..si Lord lang tlg!.☺️sorry po napahaba😁
Magbasa paNung lumindol nung nakaraan naramdam ko sya medyo malakas pero di ko naman alam yung tungkol sa kasabihan na yun,na gulat na lang ako nung sinabihan ako ng byanan ko na dapat daw na ligo akong suka.di ko na gets kung anong kinalaman ng lindol sa pag bubuntis kaya na isip na baka dahil ninerbyos ako nun.pero mas naniniwala ako kay god na di nya kame pababayaan ni baby.
Magbasa padi po totoo yun sis although sabi din sakin yan ng mga matatanda. pero naisip ko nun, pano kung maligo nga ako tapos may aftershock eh di maliligo ulit ako? or worse pano kung habang naliligo ako, lumindol ulit? ok naman kami ni baby. wala naman po kasi effect yung mismong paglindol sa yo or kay baby. ang may effect, yung kapag nastress ka dahil lumindol.
Magbasa paLumindol dito nung mga nakaraang buwan sa cainta .. di namn ako naligo Nasa tao talaga kung maniniwlaa ka sa mga kasabihan na ganyan .. meron pa yan sila tatalon daw ! Parang tanga lang .. buntis kana nga tatalon kapa edi napahamak anak mo .. = lumindol dito di namn ako sinabihan ni mama na maligo at tumalon jusko .. kaloka mga pinagsasabi ng iba
Magbasa paAs in may ganito pung pamahiin?? Kasi nung lumimdol dito sa amin na fel ko sya kasi nasa hospital kami nun na confined ako pero wala man sinabi mama ko na dapat maligo o tumalon.. nagising nga mama ko dhil sa lindol, ako wala lng naka higa parin.. provine na po dito sa amin pero iwan wala man ako narinig na ganuong pamahiin
Magbasa paNot sure if totoo yan kasi nung buntis din ako sis lumindol malakas sya at tumagal sya ng ilang seconds or minutes not sure e di naman ako naligo pero ok naman baby ko nung lumabas na sya and his turning 4months na
pag daw kase nalindol ang buntis pag di naligo o nagbuhos ee mabubugok daw yung bata o makukunan.. idk lang kase nung kumindol ng malakas sa pampanga di naman ako naligo . yet wala naman nangyaree ..
Mommy wag kapo maniwala sa sabisabi ganyan din ako nun natakot ako sa sabi na pagnalindolan may mangyayari.kapapanganak ko lang nitong week wala naman effect sa baby ko okay naman po
Hala! Me ganun bang pamahiin po..? Nong lumindol kasi dto sa min kabuwanan ko na.. nong april..d naman ako naligo sa awa ng diyos healthy naman po anak ko...
Pamahiin lang yan. Jusko. Wala namang ganyan sa ibang bansa nothing wrong naman sa mga mother and baby after lindol d naman yan ginawa😂😂😂