USAPANG BIYENAN

TAMA PO BANG GANYANIN AKO NG BIYENAN KO? GUSTONG GUSTO KUNA PO HIWALAYAN ANAK NYA PARA TUMIGIL NA SYA KAKATALAK. WALA NAMAN AKONG GINAGAWA SAKNYA

USAPANG BIYENAN
34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

stay humble po mommy. it may sounds na parang pagpapakamartyr yun, but dont forget na magulang siya ng asawa mo. hindi na siya ibang tao.. pag usapan nyo rin ng asawa mo ang problema mo. let me share the background ng nanay ko.. medyo mahaba nga lang. elementary undergrad lang si nanay sa province. maaga kasi namatay tatay niya at naging sugarol naman nanay niya. at the young age of 7, siya na sumalo ng mga gawaing bahay, magpastol ng kalabaw, ect. at mag alaga ng isang 5y/0, at kambal na 2y/0 n mga kapatid. wala ng time for school. dalagita na si nanay ng mapadpad ng maynila, naging muchacha then naging basurera ng napadpad nmn ng pasig. thats the time na nagkakilala sila ng tatay ko. disgusto ng lola at lolo ko si nanay dahil sa background niya, to the extend na everytime pupunta si lola kina nanay, sinisiraan at pinagsisigawan siya sa mga kapitbahay ni nanay na malandi raw siya at kung ano ano pa. imagine? kapg nag aaway si tatay at nanay, pumupunta si tatay kina lola para magpalamig ng ulo. eto namn si lola, susulsulan si tatay na iwanan na si nanay. once iwanan daw ni tatay si nanay, bibilhan niya raw si tatay ng ganito ganyan. but nagstay parin si tatay. si nanay, sa lahat ng pagkakataon, di niya sinagot sila lola. lumipas mga taon, sumibol na kaming mga apo, lahat ng kapatid ni tatay may asawa at anak narin. pero tanging si nanay lang ang manugang nila na every year ang nagluluto, nakakaalalang bumisita, may dalang handa tuwing birthday nila. fastforward, nung time nakaratay na sa sakit si lola, maging sa time ni lolo, tanging si nanay lang ang nag offer at nag alaga sa kanila. kaya madalas, makikita kong umiiyak si lolo o lola, everytime pinupunasan o sinusubuan sila ni nanay.. maybe, malaking pagsisisi nila, kung paano nila trinato si nanay dati. and despite nun, naging mabuting manugang parin si nanay. before sila nawala, naging proud sila, dahil si nanay ang napangasawa ni tatay. wala na silang pkialam sa background ni nanay. let say medyo matagal at mahirap bago nagbunga, pero worth it. yun yung legacy na iniwan sakin ni nanay. atfirst, problemado rin ako sa biyanan ko. to cut it short, very close na kami ngayon.. sana mommy makatulong sayo.

Magbasa pa
3y ago

Sana All katulad ni nanay ❤️

VIP Member

Why is she like this sayo? For sure may nagtrigger nito mommy. Magkasama ba kayo sa isang bahay or nakabukod kayo? Ano po ang sabi ng husband mo tungkol dito? If nakabukod kayo, hayaan mo na lang si byenan kasi wala syang leverage dahil hindi sya bumubuhay sainyo. If kasama nyo sya sa bahay at sya ang nagsusustento, for now wala tayong magagawa dahil nakikitira pa kayo sa kanya. Mali na ganyan sya sayo but ask urself bakit sya ganyan, may pinagmulan yan for sure. Go back sa source ng problem amd solve it there, kasi pag yang talak ng byenan mo lang ang makikita mo, mahirap kayo magkaayos. Galing din ako sa isang verbal amd physical abusive relationship ng byenan, pero ljt minsan hindi ko sya sinagot. Bumukod kami, and years later, nakita nya kung paano ko sinuportahan at minahal ang anak nya, and she respected me back, welcomed me with open arms. Praying na maging ok din kayo sis.

Magbasa pa

meron talagang ganyang byenan..malapit na akong manganak pero ayaw niyang ipabigay ang pera para sa pangangak ko gusto niya magulang ko ang gagastos para sa panganganak ko kahit pang prenatal ayaw mag bigay. pero sa asawa ng anak niyang babae sinusustentohan niya sa pag aaral todo bigay kahit na hindi kailangan. pero etong apo nya anak ng anak niya. malapit na ipanganak ayaw ipa sustento sa anak niya. ako lahat pati gamit na kailangan ng anak ko ako ang gumastos ni piso wala akong natanggap tapos mangarap pa sa private daw ako manganak tapos ayaw naman pala magbigay ni piso. ang kapal pa ng mukha gusto pang puntahan ang bata pagkatapos kong manganak. parati naman sana nagbabasa ng bibble at parati sa simbahan pero hindi alam kung ano ang tama sa mali.

Magbasa pa
4y ago

eh,ikaw na rin lng nmn pala gumagastos,ng lahat ..ano pa silbi at magssama kayo? nkakairita mga ganyang ugali ng mga lalaki,dagdag pa kng ang nanay ng lalaki sulsolira!!😬 ang asawa ko kahit di nagbibigayb ng kusa sa a akin..alam nya nmn kng ano mga pangunahing pangangailangan sa loob ng bahay,at sa mga anak nya,lalo pa sa panganganak ..at sya din magttanong kng may pangbili pa bigas nanay ko sa prob . kaya ok na sa kin kht di magbigay,sya na rin tagabili ng panty,kht sa mga anak nya!!😁

Bat gnyan magsalita biyenan mo momsh, parang wlang pinag aralan.. Dpat kahit papano may respeto sya sayo kasi ina ka ng apo nya.. Besides hindi na dapat nangingialam ang biyenan sa buhay ng mag asawa... Kaya madami tlgang pamilya nasisira dahil din sa biyenan na mahadera.. Buti nlng mabait nanay ng tatay ng anak ko.. Alagang alaga ako ngaung buntis ako pinapadalhan pa ko ng paborito kong laing na homemade nya, tska fruits.

Magbasa pa

hihiwalayan kasi ayaw sayo ng magulang? hindi naman sya ang pakikisamahan mo kundi ang asawa mo, wait? kasal na po ba kayo? Kung di alam ng asawa mo yang mga pinagsasabi ng nanay nya kailangan mong sabihin, wait mo kung ano magiging move ng hubby mo. Hope ipagtanggol ka naman. Nakakastress at malas sa buhay yang mga ganyan. 😅

Magbasa pa

di namn gnyan biyenan ko magsalita. pero iba pa rin pakikitungo nila sken sis. maganda lang pakikitungo kapag may pera. hahaha. Kaya nafifeel ko nararamdaman mo. Ayaw din nila sken lalo na mga hipag at bayaw ko. Haha tiis nalang din ginagawa ko at nagdadasal nalang pag nasasaktan nalang talaga. Stay strong sa atin.

Magbasa pa

mas matindi pa biyenan ko jan momsh,never ko sya sinagot,nagwawala pa yan at kong ano ano pinagsasabi sa akin..below the belt,pero pinaparamdam ko talaga sa kanila na galit ako..may sarili kaming bahay pero magkakadikit lng,hindi ko sila papansinin,kahit magkasalubong pa kami....

Kaya bago ako nag-asawa, tinapos ko muna pag-aaral ko, nagtrabho at pinasa muna ng board exam para di ako maliitin ng kung sino. Taas noo akong haharap sa pamilya ng asawa ko. at inalam ko muna background ng asawa ko bago nag-asawa.

my mother-in-law is a devil, I feel u sis! kaya wala ako amor sa side ng asawa ko lalo na nung nagbuntis ako maraming sinasabi kesyo nd daw sa asawa ko ung pinagbubuntis ko maski mga kapatid ng asawa ko pare pareho silA

Karamihan sa mga MIL feeling reyna dahil sila Nanay ng Asawa natin pero dapat din nila malaman na kung ano tayo sa Anak nila. Kapag nag bait baitan ka talaga, aapakan ka nila, ibbrain wash ka, imamanipulate etc