Biyenan ko napakahirap pakisamahan.

Nakakaiyak lang kase di ako gusto ng biyenan ko, wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Para bang ako yung bini-blame nya na nabuntis ako ng anak nya, naawa nadin ako sa parents ko kase nagmamagandang loob sila pero hindi parin pinapansin ng biyenan ko. Buntis ako ngayon 7 months at stress na stress ako dahil sa kanila, maybe I should distance my self with them. Bahala na basta ako naging mabait naman pamilya ko sa partner ko ngayon at masaya kami☺️

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mi kinda relate ako dito hahahaha. Hindi naman sa harap harapan sinasabi ni MIL na ayaw nya sakin, pero alam mo yooon hahaha ramdam kasi. Si hubby kasi breadwinner sakanila. Kada sweldo may allowance sya. Bukod sa allowance napakarami pang hinihingi na ultimo load nalang sa asawa ko pa hinihingi. Noon wala naman sakin kasi kaya naman. Pero ibang usapan nung nag buntis ako. Aba mahal kaya ng gastusin ngayon. Tipong magagalit pa sya sa asawa ko pag di nabigay gusto nya hahaha pero sa allowance as in wala kaming palya. Kahit na anong pakiusap namin na nag iipon kami wag muna manghingi ng kung ano ano, ganon pa din. tapos makikita mo sa isang apo nya ginagastusan nya naman. nakakabastos din minsan hahahaha. Pero natutunan kong dedmahin. Lampake sakanya mi hahahaha. Di ko iririsk buhay ng anak ko kakastress sakanya. Mabait family ko samin and lahat ng tulong talaga mapa financial man yan o emotional o physical, lahat support sila samin. Okay na ko don. Basta okay kami ng asawa ko, okay na ko πŸ˜…

Magbasa pa
VIP Member

Hindi naman mabubuo si baby nyo na ikaw lang mag isa kaya hindi ka nya dapat sisihin. Kaloka siya! πŸ˜† As long as okay kayo ng partner mo hayaan mo nalang nanay nya kesa naman na ngungunsumi ka. Sabi nga nila habang preggy eh umiwas sa stress kaya umiwas ka nalang sa byenan mo. 😊