depressed

Tama po ba ang desisyon ko or masyado pong padalos dalos? Lagi nalang po kami nag aaway ng bf ko, Im 20 weeks pregnant napo at super drama ko po talaga. Super insecure ko nadin po yung tipong di ko na pinapalabas at pinapagala or pinapainom yung bf ko. Basta ayoko lang na makasama nya yung mga Bad influence nyang tropa. Ngayon nagiisip po ako kung makipaghiwalay nalang po ako tutal sabi nya nasasakal na daw siya at ginagawa ko daw siyang aso. Hindi ko na alam o maintindihan sarili ko alam ko may mali din ako pero anong magagawa ko ??? any advice po? Napagusapan napo namin yun pero yun po ang gusto nya na sana wag ko na daw siya pagbawalan sa lahat PS: nag away po kami ng bf ko, Lasing po siya at nagdabog po siya. Nasabi nyapo lahat ng gusto nya saking sabihin kase nagtitimpi nlng daw siya sa ugali nya kaya nasabi nya lahat lahat na wala daw akong kwentang asawa, kupal ako, Dapat daw hindi nya na ako nakilala, Ipalaglag nlng daw baby namin, di na daw nya pananagutan, sawang sawa na siya sa ugali ko at sakin, Pinakikisamahan nya nalang ako at worst na sinabe nya is Hindi nya na ako mahal at ayaw nya na ako maging asawa ?? tapos po nung nahimasmasan siya nagsorry po siya sinabe nya po na malakas lang po tama nya dahil sa alak kaya nya nasabi yun. Nagsorry din po ako both sides po nag ayos kami, pero hanggang ngayon dinadamdam ko parin yung mga Sinabe nya hindi ko alam kung totoo o dahil lang sa galit ??

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momsh halos ganyan din ako nung una din namin ni Hubby. Nung magjowa kasi kami free sya gawin lahat di ko sya pinakikielaman kahit magka live in kami sumasama pa ko sa inuman nila magbabarkada, nung nagbuntis ako nakaramdam din ako ng galit pag makikipaginuman sya. Inexplain ko naman why, kasi buntis ako mas gusto ko nasa bahay sya katabi ko naaasikaso ako at sobrang clingy ko non, at isa pa ang baho ng hininga nya amoy alak pag matulog kami šŸ˜‚ lagi ko sya pinagbababawalan hanggang sa point na nagalit sya nagtampo sakin umiyak kasi lahat pati rides nya pinagbabawalan ko sya. Naiyak din ako kasi ang sama ng loob nya sakin nagdadabog din sya napagsalitaan ako masakit. Nagsorry din sabi nya nadala ng galit pero hindi nya "mean" yung mga binitawan nyang salita. Kinausap ko sya non.. Sabi ko.. Hindi na kasi tayo tulad ng dati, magkakaanak ka na buntis ako may Asawa ka na, yang mga tropa mo walang anak yan kaya free yan gawin mga gusto nila, may allowance sila para sa ganyan, ikaw ang allowance mo para sa Anak mo na, diba ikaw naman may gusto magkaanak na pinagsisisihan mo ba na nabuntis mo ko maaga, (hindi naman daw) iba yung buhay single sa may Asawa na pag lumabas yan si Baby di mo na din naman magagawa yang mga ganyang bagay na yan. Ayun nahimasmasan naman sya. Pero pinapayagan ko nman sya pag may event lang. Pero pag walang ganap inuman lang hindi. Kagabi pa sabi nya daanan namin tropa nya nagiinuman, sabi ko bat wala ka don ayaw mo sumama? Sabi nya. "Ayoko may anak na ko eh sila wala pa" šŸ˜‚ nacutean na lang ako eh. Ayun madami din kami misunderstanding kasi di naman madali sa kanila na baguhin agad yung nakasanayan eh pero unti unti paintindi mo at magbabago din yan. Wag mo damdamin yung sinabi kasi marunong magsorry partner mo eh, instead ipaintindi mo lalo na pag kalmado ang vibes nyo saka mo sya kausapin masinsinan, wag pasigaw malambing lang para marealize nya. Di yan makikinig kung sarcastic or pasigaw ang tono mo. Mas makikinig yan pagkalmado ka 😊

Magbasa pa
6y ago

same situation mamsh. pero pag ayaw ko tlga hindi nya na pinipilit. maintindihin nmn asawa ko. Pakiusapan mo lang at tamang communication lng bilang mag asawa kau. Maiintindihan nya rin ang sitwasyon. pareho pa din kase kau nag aadjust. tulad nmn.

Related Articles