PA RANT LANG - EMOTIONS

TAMA BANG AKO PA UMINTINDI SA PARTNER KONG DI MARUNONG MAGBIGAY NG ORAS AT ATENSYON?? OJT sya, april sya ggraduate and I am currently working. Ako lahat nag pprovide ng needs ko for my pregnancy. Di ko sya inoobligate dahil nag aaral pa sya even my parents di sya inoobliga. Ang gusto ko lang time and attention tapos kapag magkasama kame, halos puro MOBILE LEGENDS. Ni hindi nya makausap anak namin sa tummy ko. Nakakaiyak lang mga momsh!!! Parang di sya concern samen ng anak nya ???

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo mams. Nag aaral pa din ang asawa ko buti sayo graduating na. Ako 2 years pa ata hihintayin koπŸ˜…. Pero siya naman sagot sa mga gastusin sa pregnancy ko like check up. Dahil nag resign ako sa previous job ko dahil lagi kasi travel so natatagtag ako at minsan madaling araw na nakakauwi. Puro ML din ang inaatupag niya minsan pag tapos ng klase niya computer shop naman ang deretsyo niya lagi namin pinag aawayan yun. Na sa laro may oras siya para samin ng anak niya wala. Hindi man lang kami makuhang dalawin sa bahay ng parents ko ( umuwi muna kasi ako sa bahay ng parents ko para makapag pahinga ng maayos. Naiistress kasi ako sa kanilaπŸ˜…) kinausap ko siya tungkol sa mga hinanaing ko. Sinabi ko hindi na siya binata kaya sana umasta siya ng tama. Medyo nagiging ok naman na kinakausap na niya si baby at nabibigay naman na niya yung time niya. Pero matigas pa din lalo na may pinaglalaban siya para sa sarili niya. Na kahit ano sabihin ko sa kanya. Wala lahat yun dahil may pinaniniwalaan siya.

Magbasa pa
VIP Member

Siguro po Give & Take. Palaging dapat Give & Take oo nandun na tayo, nag-aaral na siya pero syempre ayaw man lang ba niya gamitin ung spare time na meron siya para magkaroon ng quality time sayo at sa anak niya? I'm not here to judge pero mag-wowork lang po ang Isang bagay kung pareho po silang magbibigay. Kausapin mo po, ako palagi ko pinapaaalalahanan ung partner ko na hindi ako mabubuhay ng wala mga anak ko, pero kaya ko kahit wala siya. Never pa po niya ko hinayaan sa lahat ng bagay. Nag-aalaga siya pagdating niya. Ala niy pong pareho kaming may responsibilidad sa bata. Dapat po ipaintindi mo din sakanya dahil baka po lumala siya at tuluyan ng hindi magbago.

Magbasa pa

Same.. pero kinausap ko kc siya at sa sobrang tampo ko Hindi ko siya kinibo tapos umuwi muna ko samin tapos dun muna ko nag stay ng ilang araw. Nagpalamig muna..nung tinanong Niya ko bkit ako uuwi Sabi ko gusto ni mama umuwi ako paminsan minsan(which is true) then sinabi ko n d nmn Niya ko kailngn kc my cellphone nmn siya ska d Niya ko makuhang kausapin pag uwi e Ang tagal ko siyang iniintay n umuwi.. so far nabawasan nmn ska nag sorry sya ska pag napapansin Niya n d n ko kumikibo kinakausap nmn Niya ko.. Alam n Niya Yun n d n ko natutuwa..

Magbasa pa

Nasa same situation naman tayo mommy.. Ako muna yung ngpprovide lahat kasi ako ung may work.. Pero on his part naman, siya ang nag eeffort lahat2 sa gawaing bahay.. Laba ng damit, luto, masahe sakin tapos linis ng bahay. Ung sa online games, ako ang naaadik sa mobile legends, and sia ang madalas ngttampo pag di ko sia pnapansin dahil nglalaro ako, ragnarok kasi laro nia haha pero sumasabay sia maglaro paminsan.. Sumabay kanalng din maglaro mommy.. :)

Magbasa pa
5y ago

Hindi ako makasabay momsh. Kase pagdating ko sa work, pagod ma din ako. Unlike sa kanya na halfday lang ang OJT kaya may oras maglaro momsh :(

nakakadik po kasi un ML πŸ˜‚ bonding namen ng hubby ko paglalaro ng ML tska preho kme mhlg sa games maka PC o console o mobile man. pro ewan ko po ba si hubby kasi marunong magmanage ng time nya my times dn kc na gsto q ng attention nya at tntmad ako maglaro bnbgy nya naman tska nd na sya plge nglalaro nakakatmad dn naman kc πŸ˜‚ baka magsawa dn si hubby nyu. Try nyu po maglaro dn sis? maybe it will be a bonding for you and your hubby dn πŸ˜…

Magbasa pa

Ganyan din ako sa una sis.. Kaya madalas kami nag aaway ng partner ko.. Ni hindi ako niyayakap sa pag tulog nun at kinakausap ang anak namin.nag didiwara pa ko pag kc nagising sya cp agad hawak nya.. pinaliwanag ko skanya na iba na noon saka ngaun.. Kaya ngaun ok naman na kmi kaht mag laro sya ng ML may time parin sya para kausapin ang anak nmin at niyayakap na nya ako

Magbasa pa

Naging problema ko rin yan momsh, yung uunahin ang paglalaro ng ml kesa kaming mag ina nya. Galing work sabay laro walang time samin. sabi nya dun sya nag eenjoy kaya ginawa ko na lang imbes na pagalitan sinabayan ko trip nya. Nag ml din ako, ayun nakakausap ko na sya ng matino nasasabi na "laro tayo maya, maglaro muna kayo ni baby at may gagawin pa ako".. At yun okay na kami.

Magbasa pa

Nag oonline games din asawa ko,pero pagkauwi nya galing work,asikaso muna sya ng hapunan nmin,huhugas plato,latag c higaan,kakausap c baby sa tummy ko,at reready na nya iinomin kong vit.at gatas bago sya maglaro.. minsan nga pinapatulog nya ako maaga bago sya maglalaro pra wlang istorbo.. pero pag patak ng 11.tutulog na sya.

Magbasa pa
5y ago

Malay mo po magbabago sya f lalabas na baby nyo☺.

VIP Member

Naninibago pa siguro sya sa set up ninyo ngaun since sabi mo din nag aaral pa sya. Pero try to open up to him, kailangan niya lang siguro matauhan na iba na un mundo niya ngaun. Emotional lang din talaga ang mga preggy and we all want all the attention. Communication is the key πŸ˜‰

5y ago

thank you sis. I hope magbago pa sya. Sguro dipa sya sawa sa buhay binata

VIP Member

Asawa ko naman busy sa hobby nya na fish. Kada uuwi palaging ka chat mga ka brad nya sa hobby nila. Puro kwentong isda πŸ˜‚ Pero kapag nagsabi ako ng sama ng loob nag ttry naman syang iwasan. Mga 1 month tapos balik ulit sa dati. Hahaha.