Advice please

Tama ba tung ginawa ko? Nakipag hiwalay ako sa bf ko dahil nagdududa na naman. May anak na po kami 6 mos. Last pagdududa niya po e pinalayas niya ako at binantaan na baka masaktan niya ako if hindi ako aalis, kaya andito ako ngayun sa mama ko. Masakit parin sakin yung ginawa niya, Hindi lang simpleng pagpapalayas Yun. Sinaktan niya din ako physically at paulit2 sinasabihan ng masasakit na salita like bwesit, kadiri at sana mamatay nalang kami ng baby ko - mula buntis pa po ako Hanggang sa nanganak na. Ilang besis niya din akong pinalayas kahit anjan c mama.. Nag tiis muna ako nagbabakasakali ng mag bago, pero he's getting worst. After niya kaming pinalayas, gusto Niya akong bumalik pero hindi ako pumayag. Wala pong mga evidence mga pagdududa niya. Nakipag ayus parin ako pero I decided na dito na talaga mag stay kila mama. Working at home din ako at no time para lumabas, di ko rin hilig. Ngayun, hindi lang ako naka pag reply agad, duda na Naman. Pagod na ako... Please advice po

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

You did the right thing, I am proud kasi you are BRAVE! 💕Dapat din Ipa-blotter nyo po Bf nyo. And lahat ng evidence ng abuses nya mapa verbal, physical, economic(meaning hindi nagbibigay support both you and your baby) and psychological dapat i.keep nyo kahi simple na text messages or chat nah magagamit nyo. If may physical abuse, take pictures and magpamedico-legal. You can always visit sa Barangay hall para magreklamo/report or file Barangay Protection Order para hindi ka na nya magalaw or masaktan. Then ipa-police mo sya then punta kay ka sa Public Attorney's Office (PAO) pwede nyo sya kasohan under RA9262 or Anti-Violence Against Women and Children. Take note, wag sa police magpagawa ng Judicial Affidavit kundi dapat sa PAO/ lawyer of your choice/ lawyer sa prosecutors office. Note: Dapat sa lawyer at hindi police. And needed sa police ay ang blotter/ police report para strong ang case nyo. Walang palya pag lawyer gumawa kasi expertise nila ang law at Affidavits. Victim-survivor po ako sa violence nga ex- BF ko and now, lawyer na po ako. Be brave po. God bless!

Magbasa pa
5y ago

ty po for the advice.