Need advice pls..

Tama ba bigyan ng 2nd chance si husband? 3yrs plng kmi kasal, kpag nag aaway kmi lagi nya ko nasisigawan at namumura.. nitong huling away namin nasaktan nya ko pisikal.. ngayon nakikipaghiwalay na ako sakanya pero ayaw nya.. itatama nya daw lahat ng mali nya, lagi daw kmi mag uusap ng mahinahon, ang mga problema pag uusapan para hndi maipon.. napuno daw kasi sya kaya sumabog, hndi nya daw alam bkit nya nagawa.. lagi ko daw kasi nya sinusungitan.. dahil sa Pera Kaya kmi nag away, Hindi nya bnibigay sakin sweldo nya, kaya hndi ma budget ng maayos, pareho Kami working pero lately kinakapos pa rin.. ayoko sana maniwala sa mga sinasabi nya.. itatama nya daw lahat ng mali nya wag lang ako mawala. May dalawa kmi anak.. nag apply ako ng BPO sa brgy. Bawal sya lumapit samin ng mga bata. Nililigawan nya ko ulit, babawi daw sya.. bigyan ko lang ng 2nd chance..

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hay sorry nangyari ito sayo momsh.. pero para sakin, deal breaker talaga pag sinaktan na ako ng physical. alam yan ng hubby ko, although hindi naman nya ako sinisigawan at minumura pag nag aaway kami. silent treatment lang πŸ˜† kapag nagawa nya na yan once, he can and will do it again. buti at nag file ka po ng restraining order para maturoan ng lesson. hindi dahilan ang sobrang galit para manakit ng ibang tao... major major red flag mommy πŸ˜”πŸ˜”πŸš©πŸš©πŸš©πŸš©πŸš© pwede mo naman po sya bigyan ng second chance for now if this is the first time na sinaktan ka nya physically. pero bigyan mo po ng ultimatum na kapag inulit pa nya, wala nang another chance po.

Magbasa pa