Need advice pls..

Tama ba bigyan ng 2nd chance si husband? 3yrs plng kmi kasal, kpag nag aaway kmi lagi nya ko nasisigawan at namumura.. nitong huling away namin nasaktan nya ko pisikal.. ngayon nakikipaghiwalay na ako sakanya pero ayaw nya.. itatama nya daw lahat ng mali nya, lagi daw kmi mag uusap ng mahinahon, ang mga problema pag uusapan para hndi maipon.. napuno daw kasi sya kaya sumabog, hndi nya daw alam bkit nya nagawa.. lagi ko daw kasi nya sinusungitan.. dahil sa Pera Kaya kmi nag away, Hindi nya bnibigay sakin sweldo nya, kaya hndi ma budget ng maayos, pareho Kami working pero lately kinakapos pa rin.. ayoko sana maniwala sa mga sinasabi nya.. itatama nya daw lahat ng mali nya wag lang ako mawala. May dalawa kmi anak.. nag apply ako ng BPO sa brgy. Bawal sya lumapit samin ng mga bata. Nililigawan nya ko ulit, babawi daw sya.. bigyan ko lang ng 2nd chance..

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

7 years na kami ng husband ko (married last dec) pero never niya pa ko nahurt physical. Nasisigawan niya ko pag galit and mamumura, sabi ko sa kanya masaktan niya once hihiwalayan ko siya. Sabi niya rin naman na kapag mahal mo ang tao kahit gaano kapa kagalit di mo magagawang saktan ng physical. And di naman sa "hihintayin mo pa bang saktan ka para hiwalayan mo" kasi okay naman kami & okay naman siya. Di na talaga mawawala ang away sa buhay mag-asawa. Ikaw mi, kung feeling mo serious naman siya & kung gusto mo buo family niyo bigyan mo second chance. Pero may tendency kasi na mauulit at mauulit niya yan kasi nagawa niya na sayo.

Magbasa pa