Need advice pls..

Tama ba bigyan ng 2nd chance si husband? 3yrs plng kmi kasal, kpag nag aaway kmi lagi nya ko nasisigawan at namumura.. nitong huling away namin nasaktan nya ko pisikal.. ngayon nakikipaghiwalay na ako sakanya pero ayaw nya.. itatama nya daw lahat ng mali nya, lagi daw kmi mag uusap ng mahinahon, ang mga problema pag uusapan para hndi maipon.. napuno daw kasi sya kaya sumabog, hndi nya daw alam bkit nya nagawa.. lagi ko daw kasi nya sinusungitan.. dahil sa Pera Kaya kmi nag away, Hindi nya bnibigay sakin sweldo nya, kaya hndi ma budget ng maayos, pareho Kami working pero lately kinakapos pa rin.. ayoko sana maniwala sa mga sinasabi nya.. itatama nya daw lahat ng mali nya wag lang ako mawala. May dalawa kmi anak.. nag apply ako ng BPO sa brgy. Bawal sya lumapit samin ng mga bata. Nililigawan nya ko ulit, babawi daw sya.. bigyan ko lang ng 2nd chance..

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sorry momsh😔 for me ha.. Sa akin lang naman.. Pag sinaktan na ko physically ibang usapan na yon.. At alam ng mister ko yan.. Kaya d kami umaabot sa ganyan. Pag nag aaway kami na normal naman sa mag asawa ang mag away paminsan. At nakita niya umiyak ako sarili niya sinasaktan niya. Kasi alam niya once tumama saken ni dulo ng daliri niya alam niya makikipag hiwalay ako agad. Nasasayo yan mi ikaw nakakakilala sa mister mo.. I think mas ok pa nga dumaan kayo sa counselling mag asawa. Nakakatrauma kasi pag nananakit na.. Emotionally at mas lalo na physically. Kaya kung bibigyan mo siya ng 2nd chance e kelangan magpacounsel muna kayo. Mahirap din kasi baka sa susunod gumrabe pa pananakit niya sayo😢 o kaya pati mga anak nyo masaktan na niya physically.

Magbasa pa