May food ba na nakaka-trigger ng pagsusuka sa'yo?
1113 responses

Ayoko sa mga ginigisang karne, manok o beef. Lahat 'yon amoy malansa sa akin. May mga scents na rin akong ayaw na dati nababanguhan ako, plus ang sensitive ko sa amoy, lahat na lang mabaho sa akin. nakakasuka, ganon.
ayoko ng amoy ng pabangao, polbo, oyster sauce, alamang, pawis, patis at usok... talagang sumusuka aq😅😅😅
Ayaw ko po ng amoy ng bawang at sibuyas at lalo na po yong masyadong mamantikang pagkain..nakakasuka po.
basta may mga gata na halo or maamoy ko lang na amoy gata grabe ayoko na agad nagsusuka na agad ako.
ayoko nang pansit canton,noodles,corned beef ,tas nung unang trimester ayoko ng amoy ng ginisa
ayoko Ng Amoy Ng ginisa or malasahan ko Ang ginisa, 😂 ayoko din Ng pritong manok😁
Alcohol, ginisang bawang sibuyas luya, bibig ng asawa ko kahit di naman mabaho😂
ayaw na ayaw ko sa karneng baboy haha. di ko makain 😄😅
Tuyo, daing ,bagoong isda at ginigisang bawang at sibuyas
bsta amoy ng ginigisa ayaw ko nung naglilihi ako hehe



