Trying to Concieve
Any suggestion po na pwede inumin kasabay ng folic acid yung mabibili po kahit walang reseta, at kay partner po ano magandang inumin nya vitamins ☺️ TIA #TTC
wife - folic acid, vitamin c + healthy foods, healthy lifestyle. iwasang magpuyat at magkape. husband - rogen e, vitamin c + same healthy living dapat. aralin nyo rin Po qng when Ang fertility window nyo pra sure Po na nakapag love making during fertility. inaral ko lng Po ito sa YouTube. once lang Po tau magkakaron ng eggcell in 1 month, then 12 hours lng Po Ang tinatagal unlike Po sa mga lalake na pwedeng tumagal ng 2 to 3 days Ang spermcell after love making. naglalagay Po me mark sa calendar. effective nmn Po sa biyaya ng Diyos, 19 weeks pregnant na Po me.
Magbasa pa1. Iwas dapat sa stress (napakatindi nitong kalaban as in, as per my experience before kahit na normal lahat samin ni hubby) 2. Prayers and trust God's timing 3. Any folic po with iron will do (taking it pag may regla ako at ovulation week ko lang di ko sya tinitake araw araw) 4. Enjoy lang kayo ni hubby (the more na nagiisip kayo na kaya kayo nagmamake love ay para magconceive na, the more na di nangyayari kasi) 5. Track your cycle 6. Healthy lifestyle + Foods at syempre paalaga rin sa OB para mas maganda po. Baby dust for you sis 🙏🙏🙏 :)
Magbasa paSa akin eto tinake ko: Folic Acid (Folart) once a day Restor F multivitamins once a day Sa hubby ko: Rogin E once a day Yan po naging effective sa amin 2months lang kami nag take nabuntis agad ako..6years old na si panganay saka namin nasundan.. Ngayon ang laki na ni bunso namin 6months old na din😊.. Sana kung ano man ang itake niyo po e maging effective.. Pray lang palagi at syempre mas ok pa rin ang paconsult sa Fertility Specialist..
Magbasa paOB muna mi para sa proper vitamins may mga vitamins kse na hindi tayo aware na hindi naman pala need ng katawan ntn kapag may plano tayo mg conceive e ☺️ like me, never ako binigyan ng infertility doctor ko ng folic acid. Pero alam ko need ko un kse ngbased ako sa mga nababasa ko. Pero sya hindi nya ako binigyan, now lang preggy ako tyka lang nya ako bngyan ng folic acid.
Magbasa paKmi po ng hubby ko 2years and half ng kasal, at trying to conceive.. Nagtake po kmi ng vitamin sakin myra e, den sa asawa kopo enervon,.. Syempre mi kasama din po dasal 🙏🙏 ngaun po 28 weeks npo aq preggy at thanks God kz healthy nman c baby.. Try lng po ng try.. And keep praying po. 🙏🙏🙏 😊
Magbasa paconsult ka po sa OB para magabayan talaga. yan ginawa namin ng asawa ko. pareho po kami pinainom ng pregina, folic acid and vitamin C. yung pregina po need yata prescription. at may pinainom rin kay hubby na zeman.
ang nireseta po sakin ni OB nun nagpacheck up po ako folic acid and DHA. currently 29weeks pregnant na po. siguro 5months din po ako nagpaalaga sa kanya bago po nabigyan ng baby. 4years din bago kami nabiyayaan.
Ung nireseta po sakin ay folic acid at vit d3 😊 sabayan mo po ng diet at exercise at syempre madaming dasal. Nung ngtry po kami ng hubby ko, ngketo diet kami. Hehe
sa akin tinatake ko po folic acid at multivitamins, si husband naman rogin-E
I suggest momsh magpatingin din sa ob para macheck din kayo