Naranasan mo na bang magkasugat sa niipples dahil sa breastfeeding?
Naranasan mo na bang magkasugat sa niipples dahil sa breastfeeding?
Voice your Opinion
YES (what did you do?)
NOT YET

2132 responses

114 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

First time mom kasi ako at wala akong gatas nung naipanganak ko si baby at advice ng midwife sakin na pa dedehin ko lang daw dahil kalaunan lalabas din daw gatas ko so ayon nagkasugat kasi ang lakas ni baby dumede pero walang nalabas na gatas yung ginawa ko tiniis ko lang yung sakit basta makadede lang si baby minsan dumugo pa nga pero wala talaga akong nilagay. unli latch lang si baby hanggang sa nasanay ako at gumaling mga sugat ko

Magbasa pa
VIP Member

Yes naranasan ko yung dugo na tlga lumalabas sa nipple what i do. Pinahingaan ko ng ilanga araw but nag pupump parin ako then after nun unli latch na kami ni baby ko. Unli tlatch is also the key para mawala ang sugat ng nipple natin, at isa sa dahilan para mag increase ang molk supply ko.

VIP Member

Oo napakasakit. Ganun talaga magbabalat sya at magkakalyo kumbaga. Halos umiyak ako sa hapdi. Pero masarap sa pakiramdam na yun pag nalampasan mo at makita mo si baby nabibigay mo at pina ka d best nutrition para sa kanya. Wala tatalo sa gatas mg ina.

nagpupump muna ako sa umaga pero sa madaling araw pinapadede ko pa din kahit masakit tiis lang 6 weeks ko din tiniis yung nagdudugo kong utong.Ngayon medyo gumagaling na ang problema ko naman parang na ninipple confuse na ang baby ko.

hinayaan ko lang.. pinilit ko magpump para mapabreastfeed baby ko nun na nsa NICU.. 😭 kahit sobrang sakit ng nipples and tahi ko nun.. kc nakita ko lumaban baby ko.. pero sadly binawi dn cya agad ni God.. 😢

VIP Member

Stop for a while muna sa isang dede muna siya, kasi every time she sucks masakit talaga may hiwa. Yun din naman sabi ni ob. The milk will heal it naman din. Few days ok na din naman siya.

tiniis po, inverted nipple ako ehh super hirap tlga magpadede at dumudugo pa.. walang utong kasi nipple ko as in paloob pero now no more inverted na po

3y ago

yes po mommy .. kahit anong position ni baby nakukuha nya na nipple ko

pinasuso ko lang kay baby kasi yun ang advice sakin.. si baby lang naman daw makakapag paheal ng sugat.. so it's true nga po painful pero tiis tiis lang..

VIP Member

I continued breastfeeding kahit na sobrang hapdi. Tiniis ko lang and eventually nagheal naman and successful ang breastfeeding journey namin. ☺

TapFluencer

buti sa ngayon hindi pa ko nakaranas na masugatan kahit nakakagat na ko ni baby,pero masakit pa din , kasi nakakagat na hihilahin pa hehe