Twin baby boy

Subrang hirap pala mag alaga ng twin baby boy . Yung pagod kana buong araw tapos pag dating ng gabi puyat nanaman . Subrang antok kana pero di mo mapatulog yung isa. Kung napatulog mo man yung isa susunod naman yung isa. Haysss Nakakastress sa totoo lang pero pag nakita mo silang ngumiti habang pinapatulog mo sila napapangiti ka na din . ❤️ lalo na pag sabay silang umiyak tapos wala akong katuwang mag alaga . Di ko alam kung sino kukunin ko sakanila Naiiyak na din ako habang umiiyak sila Ngayon 1 month and 17 days na sila . Andito parin ako sa fourth trimester ko. Matatapos din to kunting tiis lang . Laban lang para sa twin baby ko ❤️

7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

meron din akong twin boy 3 years old na sila ngayon, grabe talaga ang hirap pag mga unang buwan nila. double ang hirap at gastos pero super worth it naman pag alam kong naalagaan ko sila ng maayos kahit mahirap. kaya mo yan mommy laban lang para sa twin boy mo 😊

2y ago

subran talaga yung gastos mommy . lalo ayaw pa nila ng BF mas gusto nila yung formula . para kang nagtatae ng pera

same tayo twin boy walang katuwang umaga at gabi dahil stay in Lip ko.puyat may alaga pang 5yo makulit.luto linis pa,via CS pa ako,mag 1month plang s April 6 hehe kunting tiis tyaga lang.im4tante walang sakit

2y ago

may panganay din ako subrang kulit kakatulog lang ng kambal magigising bigla dahil sa makulit nilang kuya. 3years old naman siya .

VIP Member

Hugs mommy! enjoy na lang natin habang kailangan pa nila tayo. 🥰 dadating yung time na mamimiss natin yang stage na yan. nakakapagod pero worth it ang pagod. 😊

2y ago

oo mommy. enjoy lang natin yung gabi gabing puyat hahaha makakabawi din tayo . isang ngiti lang nila wala na yung pagod na iniinda natin

sobrang strong nyo po mommy, sobrang proud kaming mga ka mommies sayo🤗 wishing din ako ng twins soon🤞

2y ago

thankyouu mommy . nakakagaa ng loob 🥰

same twins din po sa akin baby boy mag5months palang po ung tyan ko.. normal delivery po ba kayo mommy?

hi mamsh ask lng na CS k b nun? im having a twin din first time to experience twin..

2y ago

sana nga mamsh so far s 1st baby ko nmn e nd aq high blood

ang hirap nga ng isang baby lalo na cguro ang kambal. Laban lang po mommy, kaya yan