Stress na stress na ako. ?
Wala naman akong problema sa ugali nila kasi tanggap ako at lahat lahat. Pero sa way ng pag alaga nila sa anak ko diko gusto. Weekends nasa kanila ang bata, sa mama ko naman pag weekdays. Kaming mag asawa nagttrabaho dito sa Manila. Pero napilitan na ako magresign para makauwi na ng probinsya. 6mos na sya. Di nila hinahayaan mabusog sa tulog ang bata. Every 2hrs ginigising para padedehin. Kahit kasarapan ng tulog. Hindi sya makapaggain ng weight dahil sa tipid na tulog. Isa sa rason nila na magugutom daw. Sabi namin na alam naman nya gumising pag gutom. Wala pa rin epekto. Pangalawang rason nila, papagurin ng hapon para madaling makatulog ang bata sa gabi. Hindi nila sinusunod mga sinasabi ko na makakabuti sa bata porket ftm ata ako. Kung ano yung way nila ng pag aalaga yun ang ginagawa which is minsan hindi na tama. Lahat ng alam ko asawa ko sumesegway para masabi sakanila pero parang kami pa ang mali. Kung ano ano gustong gawin sa bata lalo nung kakalabas nya lang. Gustong patikimin ng katas ng ampalaya, honey at pakainin ng atay ng manok painomin ng tubig kahit ilang buwan palang sya nun. Hindi ko pinayagan. Tapos dati pag pinapaliguan pala ng mil ko, ung pampaligo pinapatak sa bibig nya para d sya daw manibago. Eh galing lang ng faucet yun. Kung may sinasabi ako di sila nakikinig. Di porket aguhan lang ako wala akong alam. Kung iniisip nila ang bata mas lalo pa akong ina nya. Mas lalong napapasama ang anak ko pag sila nakabantay. Diko kinakaya ang stress dulot nila.?
Anonymous