IN LAWS

Stress na stress na ako. ? Wala naman akong problema sa ugali nila kasi tanggap ako at lahat lahat. Pero sa way ng pag alaga nila sa anak ko diko gusto. Weekends nasa kanila ang bata, sa mama ko naman pag weekdays. Kaming mag asawa nagttrabaho dito sa Manila. Pero napilitan na ako magresign para makauwi na ng probinsya. 6mos na sya. Di nila hinahayaan mabusog sa tulog ang bata. Every 2hrs ginigising para padedehin. Kahit kasarapan ng tulog. Hindi sya makapaggain ng weight dahil sa tipid na tulog. Isa sa rason nila na magugutom daw. Sabi namin na alam naman nya gumising pag gutom. Wala pa rin epekto. Pangalawang rason nila, papagurin ng hapon para madaling makatulog ang bata sa gabi. Hindi nila sinusunod mga sinasabi ko na makakabuti sa bata porket ftm ata ako. Kung ano yung way nila ng pag aalaga yun ang ginagawa which is minsan hindi na tama. Lahat ng alam ko asawa ko sumesegway para masabi sakanila pero parang kami pa ang mali. Kung ano ano gustong gawin sa bata lalo nung kakalabas nya lang. Gustong patikimin ng katas ng ampalaya, honey at pakainin ng atay ng manok painomin ng tubig kahit ilang buwan palang sya nun. Hindi ko pinayagan. Tapos dati pag pinapaliguan pala ng mil ko, ung pampaligo pinapatak sa bibig nya para d sya daw manibago. Eh galing lang ng faucet yun. Kung may sinasabi ako di sila nakikinig. Di porket aguhan lang ako wala akong alam. Kung iniisip nila ang bata mas lalo pa akong ina nya. Mas lalong napapasama ang anak ko pag sila nakabantay. Diko kinakaya ang stress dulot nila.?

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momshie kung sa tingin mo mas kampante ka sa pag-aalaga ng family mo bakit hindi nalang sa kanila mo ipagkatiwala si baby. Pero mas mabuting bumukod nalang kayong magasawa, pero sana meron kang kamag-anak na pwdeng magalaga muna ng baby mo habang nasa work kayo. Mahirap na rin kasing kumuha ng yaya sa panahon ngayon, alam mo na ang ibig kong sabihin, baby pa ang anak mo eh. Pagusapan nyong mabuti ng hubby mo.

Magbasa pa
6y ago

Matagal na po kaming bukod.kaya nga lang di namin pwde dalhin ang bata. Pero since diko na kaya pagmamagaling nila sa bata nagresign na po ako. Render nalang ako sa company. Ayokong magyaya kasi baka mamaltrato pa anak ko. Diko na matiis ang way ng pag aalaga nila sa bata

VIP Member

Hi mommy. Okay lang gisingin every 2 hrs para padedein, advice iyon ng ibang pedia sa co-mommies natin. Okay lang din na laruin sa hapon para sleep na siya sa gabi. Pero it's a big NO sa pagpapakain sa kaniya ng kung anu-ano like katas ng ampalaya and etc. Your baby, your rules. Mas mainam ng bumukod kaysa may mangyaring hindi maganda kay baby.

Magbasa pa
6y ago

Oh I see, 6 months na pala si baby niyo po. Since it was said by your pedia, better to have heart to heart talk sa MIL mo po. Sa mother mo na lang din mommy si baby niyo po magstay. Mahirap na kasing may may mangyaring di maganda kay baby niyo po.

mas mabuti kung d kayo naktra s byenan mo mpapahamak lang un,anak nyo..

6y ago

Bukod po kami matagal na kaso di namin pwede kunin ang bata dito sa Manila wala mag aalaga kaya napilitan na ako magresign. Diko na matiis