Naranasan mo na bang makunan? Andito kami para sa'yo.

Kailangan namin ng tulong MO, mommy. Tulungan natin ang mga soon-to-be mommies na maging aware kung paano pangalagaan ang pagbubuntis. Kung nais mong magbahagi ng iyong stillbirth story, mag-email sa [email protected]. Gamitin ang subject line na "My Stillbirth Story".

Naranasan mo na bang makunan? Andito kami para sa'yo.
28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naranasan ko po makunan last year, nag PT ako den positive surprise ko sa hubby ko nung fathers day, pero nung mga 5 weeks na ako nag spotting ako ng 1 week,sunday nun nag mall kami nung naramdaman ko na may bumulwak sa akin pagtingin ko sa panty liner ko may buong malaking dugo, nagpa transv agad ako den yun nga wala na sila nakita, sobrang lungkot ko nung araw na iyun, but now 6 weeks na ako nagpositive ako nung mother's day laking tuwa ko kasi after a year nabiyayaan ulit kami, medyo nakakapraning dahil ayoko na mangyari ulit sa akin yun..sobrang ingat na rin..Thank u Lord..and thank u to dis group!!

Magbasa pa