Naranasan mo na bang makunan? Andito kami para sa'yo.

Kailangan namin ng tulong MO, mommy. Tulungan natin ang mga soon-to-be mommies na maging aware kung paano pangalagaan ang pagbubuntis. Kung nais mong magbahagi ng iyong stillbirth story, mag-email sa [email protected]. Gamitin ang subject line na "My Stillbirth Story".

Naranasan mo na bang makunan? Andito kami para sa'yo.
28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sa totoo lang 2beses na .. Yung una hindi ko alam na preggy ako june,2015 .. Then pangalawa nito lang june,2019 at kambal yun ... Grabe sobrang stress ako nun daming problema tapos exited basta halo halo yung pakiramdam ko ... Tapos nung nakunan ako sobrang depress ko nman .. Halos diko na pinapansin si mister gabi gabi umiiyak ako ... Tapos nag desisyon nako na di na kami mag bebaby ni mister .. Nung nakunan ako naituon ko yung oras ko sa alak ... Gusto ko lage akong lasing para mabilis maka tulog yung makakatulog ako sa sobrang kalasingan at hindi na sa pag iyak .. Tapos laging mainit ang ulo ko lage ko ng inaaway si mister .. Lage akong nag tatanong kay god bakit ko nararanasan to?? bakit ako ?? Andame kong "BAKIT" Minsan nga naisip ko maki pag hiwalay na din eh 😅😅 pero hindi ako sinukuan ng asawa ko .. Imbis na magalit sya sakin kase kada uwe nya galing sa work lasing ako at inaaway ko pa sya .. Ang ginawa nya sinabayan nya ko, dun ko napag tanto yung sagot sa "BAKIT " ko ,, nalaman ko na hindi ko lang pala sya asawa bestfriend kopa pina-alam sakin ni god na hindi ako nag iisa .. Hindi lang ako yung nawalan dalawa pala kame .. Kaya yun sa kanya ako umiiyak kada maaalala ko yung araw na nawala yung kambal ko 😢😢 hanggang sa naka move on ako kase nakikita ko kung panu nangayayat si mister sa kakaintindi sakin .. ,😅😅 at sa hindi inaasahan na buntis ulit ako at 23weeks na 😊😊masaya kabado takot, sobra kase iniisip ko baka maulit uli yung mga nakaraang pag bubuntis ko ..kung mapapansin nyo tuwing june ako nakukunan kaya mas doble yung kaba ko kase wala pakong check up kahit isang beses .. 😂😂 balak ko na sna mag pa check last feb. Di nman ako pinayagan ng mga kasama ko sa bahay kase nga daw may kumakalat na sakit lalo pa ngayon may ecq. dahil dun di ako maka pag pa check up .. 😅😅 pero sa twing hahawakan ko si baby sa tyan ko lumalakas ang loob ko ... At mas nag papalakas ng loob ko ay ang mister ko kase nakikita ko kung panu sya mag pursigi mas doble yung pag aalaga nya .. Minsan na bubwisit ako sa kanya pero tingen ko normal lang yun .. Di nman ako pweding mabwisit sa iba baka mapa away ako 😂😂 .. At yun andami kong natutunan bilang babaeng may asawa at nanay narin kahit di ko pa nararanas sana in god's name ngayon palang 😊😊😊😇😇 ibigay na nya samen ni mister ☺☺ yun lang 😁😁 hopefully my story will give you some inspiration mga momss 😊😊

Magbasa pa
6y ago

Thinks positive lagi sis and pray :)