Papaluin o hindi papaluin?
Papaluin o hindi papaluin?
Voice your Opinion
Spank
Don't Spank!
Depende sa situwasyon

6981 responses

21 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

depende. when I was 5 nailagay ako sa sako ng papa ko kasi sumama ako sa kalaro ko at papa nya sa trabaho. (walking distance lang naman sa amin but hapon na kami nakauwi) lumaki ako na nagmarka sa akin yun. back then di ko maintindihan why nagawa sa akin yun ng papa ko and growing up parang na trauma ako. hanggang sa nagtanda at saka ko lang naisip sana tinanong muna ako bakit ko nagawa yun para maintindihan ko rin na nagawa nya yun out of fear for me or relief. . 😂 so when I became a mum, pag may nagawang kasalanan, I always ask first bakit nagawa ng kids ko mga pinagagagawa nila. if ever naman napalo ko, I always make sure I tell them why. we do not tolerate wrong doings, so we always discipline our kids in a loving way.

Magbasa pa
VIP Member

Ako as mom of 4, as much as I wanted ayaw kong mamalo. But there are times na kailangan mo talagang gawin. Ako lumaki ako sa palo.Like almost everyday napapalo ako pero kapag niisip ko yun ngayon thankful pa ko na napalo ako kasi baka kung di yun ginawa ni Mama di ako nagtanda. And sa nakikita ko ngayon na over protection sa mga bata, pinapalaki lang nila ang ulo ng mga bata kasi ganun nasa isip nila. May grounds to spank and meron din namang dapat kausapin nalang.

Magbasa pa
VIP Member

Just like what my father did. Dinadaan kame lagi sa usap pag may nagagawa na mali. At iniexplain kung alin ang mali na ginawa namen. Kapag naulit pa doon na kame napapalo. Pero naalala ko unang beses ako napalo noong 8 years old ako. Kase at that age marunong na umintindi kung alin ang tama at hindi. Sa ngayon kase kahit 3 years old pa lang nakakatikim na ng palo at kurot. Unfair naman yung ganun kase hindi pa naiintindihan ng bata kung ano ang mali nya

Magbasa pa

Lumaki po ako na nakaranas ng latay sa katawan, alam ko yung sakit na dulot ng bawat palo. Kaya hinding hindi ko gagawin sa anak ko iyon. Kayang idisiplina ang bata na walang halong pananakit. Nasa ating mga magulang paren kung lalaki silang sutil o mabait na bata. Sa mga pananalita at mga aksyon paren naten sila matututo, maging matalino nalang tayo sa pagpapalake sa kanila. ☺

Magbasa pa
VIP Member

Ayaw ko talaga mamalo peru minsan nakakainis na ang katigasan ng ulo kaya d q maiwasan...sana magawa ko ng hindi mamalo kasi naaawa aq pag nag behave na can.. ayaw ko naman na may takot xang maramdaman sakin..

VIP Member

Mamamalo siguro ako pag grabe ang ginawa ng anak ko.pro I'll make sure na sa pwet lang at hnd sa ibang bahagi ng katawan.for them to realize their mistakes..and afterwards, talk to them why you spank them

VIP Member

Kung maaring pagsabihan hanggang dun lang.. but somehow we need to dicipline pa rin mga kids kya palo is ok as long na may valid reason at di na dapat ulitin ung pagkakamali nla.

TapFluencer

depende!kasi,laki ako sa palo..Kaya as much as possible ayaw ko mamalo..kasi alam ko yung feeling ng mapalo.Pero hindi naman ako nagsisi na lumaki ako sa ganung disiplina..

part ng childhood ko ang palo at dahil dun marami ako natutunan. may benefit din naman ang palo pero depende sa sitwasyon. hanggat maari iapply ang positive reinforcement

TapFluencer

Hanggat kayang habaan ang pasensya kakayanin pero kung mali at di ko nagustuhan ang action di pwedeng hindi maparusuhan. Pipili lang naman sya kung palo or luhod sa asin