MOTHER DEAR

Share ko lang po Simula ng nagtrabaho ako noong 21 years old ako, mas malaking porsyento pa ng sahod ko ang napupunta sa nanay ko. Siya ung tipo ng nanay na may pagkukusa. (pagkukusang humingi ng pera) Alam niya ang petsa ng sahod ko, nasa gate pa lang ako ay bubungad na yan ng "akin na ang sahod mo at may babayadan ako. " (Di uso sa family namin ang sweetness and saying thank you, sa reklamo ayan jan magagaling) Fast forward, I am now 28. Ganun pa rin ang nanay ko. Di ako makaipon mga mommy kasi may asawa at anak na ako pero parang naging obligasyon ko na na kalahati ng sahod ko ay laging sa kanya. Napakabait naman ng asawa ko, sasabihin lang nun bigyan mo na at ng tumahimik. (masahol pa kasi kay anabel rama ang nanay ko) Dito sumama ng matindi ang loob ko, 8 months na kasi ang tiyan ko and since nag lockdown tayo, lahat tayo ay kinapos sa pera. Pumunta siya sa bahay naming mag-asawa. Hinihingi ang porsyento niya kasi sumahod na kami para sa month of July. Sabi ko di muna ko makakapagbigay kasi malapit na ko manganak, kailangan namin ng budget. Galit na galit sa akin. Pinagmumura ako tapos puro kabastusan lumabas sa bibig. Nakatikim lang daw ako ng t*ti ay binalewala ko na sila. Kesyo madamot daw ako, makasarili. Di ko daw sila iniisip. Sinumbat pa ung pagpapalaki niya sakin simula pagkabata. Hayyy napaiyak na lang ako dahil di makaunawa ang nanay ko. Ako naman ay di madamot at maluhong anak. Kahit paano naman ay napaalwan ko ang buhay nila. Mag iisang taon pa nga lang akong kasal e. Siguro naman ako ay nakatulong na kahit paano. Wala pa nga masyadong gamit ang baby ko e.😢 Sama talaga ng loob ko.

46 Replies

VIP Member

You did not do anything wrong mommy. Tama lang na isipin mo muna ang family mo now especially that you are about to give birth. Remember na hindi obligashon ng kahit sinong anak ang habang buhay na magbigay ng pera or tustusan lahat ng pangangailangan ng magulang or kapatid lalo na if you already have your own family. Ang turo sakin ng parents ko... "When you can give... then they'll be thankful.. If you can't give...you should never be obligated to." Lahat ng ginawa sayo ng magulang mo... Obligashon mo na yan mommy ngayon sa magiging anak mo. Hindi choice ng kahit sinong anak ang lahat ng nangyari o hirap na dinanas ng magulang nya para buhayin sha. Choice ng mga magulang mabuntis.. Magpamilya... Lahat ng obligashon na yan..yun naman ang responsibility mo ngayon sa magiging anak mo. Yang pagpasa ng obligation sa anak is a cycle na dapat tigilian na lalo na dito sa bansa natin. Unfortunately a lot of filipino families can't break the cycle of having hardships in life since in most cases pagnakakatulong na ang anak ipinapasa sa kanya lahat ng responsibility...in turn hindi nakakapulgada ang anak para makapagready naman sa buhay pag turn na nya bumuo ng family nya.

Nakakalungkot naman yang nangyari. 😔 Bread winner ako sa family, may kapatid ako pero walang trabaho, 25 yo na siya, and super hina ng loob. Di pa niya na-experience magtrabaho kasi grade 6 lang natapos niya. Nahihiya siya. Ako lang tyinaga na mapagtapos sa tulong ng kapatid ni mama. Sa ngayon, nagbibigay ako sa mama ko kasi nakakaya naman. Pero pinaintindi ko sa mama ko na 3 months ako mattengga na walang sahod dahil sa Mat. Leave kaya wag muna siya hingi ng hingi ng pera. Ang ugali kasi nun, pag alam niya may pera ako, magpaparinig ng kung ano ano nararamdaman niya daw sa katawan which is pagbibigyan ko naman kasi shempre health niya ung usapan. Pero turns out normal naman if nagpacheck up. Kung ano ano kasi iniisp niya. Minsan, nasabihan ko siya magpacheck up kami sa mental health niya kasi baka dala lang ng stress sa lock down kaya kung ano ano naiisip niyang sakit niya kahit hindi naman, siya pa nagalit. Haaaays. Kaya natin yan mommy. Yung nanay mo, darating din yung panahon na maiintindihan niya na may sarili ka na priority sa buhay. Hindi naman kasi forever e kargo natin sila.

Yan minsan ang pinaka mhirap sa pamilya lalo na kung sila ay nsanay na kung tutuusin d tyu pwede ubligahin kso nga lang syempre anjn un utang na loob natin sknila dhl magulang ntin sla prang gnyan din ako 5yrs ako sa abroad ni piso wla ako naitabi sknla lahat mapupunta sa mga kpatid. Ko at magulang ko syempre d ako mkakibu dhl sla ng aalga sa anak ko hiwalay ako sa una asawa ko lahat ako ang sumuporta sa mga anak ko ngyun ngkaroon ako ng live in partner at npaka swerte ko ako din ksi gstu ko gumwa ng sarili k pamilya mtatawag ko buo pamilya dhl lumake ako sa broken family nghahanap din ako ng pagmamahal tunay na pagmamahal na dku ko mkuha sa tunay ko pamilya npaka swerte ko ngyun sa kinakasama ko pero wla suporta magulang at kpatid ko skin bagus pra ma nla ako tinakwil dhl wla kumakausap skin sabi nga nila khit ilang million mabuti gawin mo mwawala yan sa isa pagkakamali GOD'S KNOWS kung ganu ka uti ang puso ntin/nio na tumutulong d ntin kailngan I pakita sknla kng gnu tyu ka uti nging mabuti kana minsan ok na un king d nla nkita problema na nla un

Ayan ang ayaw na ayaw ko sa pinoy family culture lalo na sa ugali ng pinoy parents.. ang tingin sa anak investment. Pasalamat na lang ako at di ganyan ang magulang ko at mga in-laws ko. Pero ung mga kaibigan ko na ganyan ang magulang, awang awa ako sa kanila. Yung tipong sinisimot sila ng magulang nila. Mapapansin ko itlog na lang ang ulam kasi daw sinaid siya ng nanay niya. Hindi obligasyon ng anak na magbigay sa magulang. Yes, may tinatawag tayong "utang na loob" pero that doesn't mean babayaran mo lahat ng ginastos sayo ng magulang mo from birth to finish in the form if intrega kasi obligasyon ng magulang na palakihin ang anak at gastusan. Kung magbigay ang anak, salamat at kung hindi, wala dapat samaan ng loob. Inis ako sa mga ganyang magulang lalo na ung mga may anak na OFW, jusko po.. wala tuloy ipon ang OFW kakahingi at kakademand ng nanay. Kahit may sariling pamilya na ang anak, gusto pa 50% ang hati nia sa sweldo ng anak na OFW. Walanjo.

Hindi talaga lahat ng pamilya,ay parepareho. Hindi lahat kailangan magkakasama ang pamilya. Lalo na kung toxic ito. Sorry sis,pero ang toxic ng nanay mo. Nahihiya ako para sa kanya sa asawa mo. Tama sinabi nila na di natin mapipili sino magulang natin. Naging mabuti kang anak. Pero sa panahon na ito,kailangan mo isipin ang sarili mong pamilya. Hindi makakabuti ang makipagusap ka pa sa ina mo. Makakasama saiyo at sa baby mo ang stress. Iwasan mo siya at mag focus sa pamilya nyo. Pagkapanganak mo,saka mo na kausapin kapatid mo tungkol dito para may katulong ka sa pagpaintindi sa ina mo. Then saka mo kausapin. Kung ayaw niya parin despite your efforts na mapaintindi sa kanya na iba na ngayon at di kna mkkbigay tulad dati, hayaan mo na siya. Tiisin mo di mgbigay ng tulad ng dati para maintindihan ng nanay mo na eto na ang sitwasyon ngayon. Tanggapin man niya o hindi,hindi man kasing laki ng dati,atleast nagbigay ka.

Mamsh, sabi sa bible, sa oras na mag asawa ka at magkaron ng sariling pamilya, bubukod at iiwan mo talaga ang mga magulang mo. Hindi mo na sila obligasyon dahil ang sarili mo ng pamilya ang priority mo. Oo may utang na loob ka sa knila kasi sila nagpalaki sayo pero ang pagbibigay ng tulong sa magulang pag may sarili ka ng pamilya ay hindi dapat obligasyon at lalong hindi dapat ganyan ang nanay mo. Cguro nasanay sya na lagi ang half ng sweldo mo ay sa kanya kasi sinanay mo din pero ngaung mommy kna, dapat ilaan mo na yan sa sarili mong pamilya kasi hindi basta basta magpalaki ng baby, kung anu lang ang alam mong kaya mong ibigay sa nanay mo, yun na lang ibigay mo walang masama dun. Natutunan ko to nung nag seminar kami bago kami magpakasal ng hubby ko :)

Totoo. Nasa bibliya iyan.

VIP Member

Binasa ko to kase napaisip ako sa title. Me and my mom also have differences at madame akong hanash sa kanya pero never naman naging issue samen ang pera. Since nangyare na nga yan, tingnan naten next month if susugod ulet si mudrabells mo. Pero dapat start nagbuntis ka nagsabe ka na din. Atleast di kung kelan 8 months na tsaka sya naggagaganyan. Mas importante ngayon si baby at ang future ng family mo kahit pa family mo din sila. Gaya ngayon na may pandemic. Okay lang mag abot pero di naman yung kahalati na ng sweldo mo. Mas malaki na gastos nyo kase lalo paglabas ng baby at kelangan may emergency fund din kayo kung sakali. Di pagdadamot yun momsh. Kelangan mo lang talaga iprioritize ang family mo ngayon.

You cannot give what you cannot Have. ayan palagi sinasabi ng Hubby ko sa akin. Medyo parehs kasi tayo ng sitwasyon. Nasanay din ang mama ko na lagi ako nag aabot kahit to the point nawawalan na ako. At sobrang nagtitipid. Pwede tayong tumulong pero di natin obligasyon yun. Obligasyon at responsibilidad ng magulang na palakihin ng maayos at magalang ang mga anak nila. Ang obligasyon at responsibilidad naman ng anak eh, Pagandahin at ayusin ang buhay na binigay saknya ng mga magulang niya. Pag nagpamilya na tayo Sis, Unahin na natin ang pamilya natin. Pero doesn't mean nakalimutan na natin makatulong sa knila.may mga priorities lang tayo.

VIP Member

Sa totoo lang. Di magnda pag uugali ng nanay mo. Di ko alam kung bakit ganun ang trato nya sayo. Sa ganitong sitwasyon pa na may Pandemya at buntis ka. Napaka bait rin ng asawa mo para intindihin sya. Marahil nasanay sya sa ganung sitwasyon. Wala ka nman obligasyon sa nanay mo. Dahil may asawa ka na. Pero mabait ka parin dahil tumutulong ka sa kanya. Haist! Sana lang e maliwanagan ang nanay mo. 😊 At momsh.. Wag ka susuko. Nawa ay maging maayus parin kyo ng nanay mo lalo nat magkaka apo na sya. 🤗 Mabuti nalang ako. Ang mother ko mabait. Di ako inu ubliga. Mas gusto nya na nakaka ipon ako. At marami ako nabibili para sa mga apo nya.

Wag ka na magbigay sa kanya kahit kailan Sis. Dahil pag kayo nagkulang or nawalan. Di mo din naman malalapitan Mother mo. At the same time. Iba na priority mo ngayon. Family first na. Kung di nya yun naiintindihan. Problema na nya yun. Pero wag na kayo magbibigay kahit anong mangyari. Umasa na lang kasi sya sa inyo which is dapat hindi. Kung magulo buhay ng nanay mo. Wag mong hayaang magulo ang buhay nyo ng dahil sa kanya. Enough of it. Understanding lang asawa mo, pero di ibig sabihin nun na okey lang sa kanya. Sumasama na din loob nyan. Wag mo hayaan masira pamilya mo ng dahil sa nanay mo. Turuan mo sy ng leksyon ngayon.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles