MOTHER DEAR
Share ko lang po Simula ng nagtrabaho ako noong 21 years old ako, mas malaking porsyento pa ng sahod ko ang napupunta sa nanay ko. Siya ung tipo ng nanay na may pagkukusa. (pagkukusang humingi ng pera) Alam niya ang petsa ng sahod ko, nasa gate pa lang ako ay bubungad na yan ng "akin na ang sahod mo at may babayadan ako. " (Di uso sa family namin ang sweetness and saying thank you, sa reklamo ayan jan magagaling) Fast forward, I am now 28. Ganun pa rin ang nanay ko. Di ako makaipon mga mommy kasi may asawa at anak na ako pero parang naging obligasyon ko na na kalahati ng sahod ko ay laging sa kanya. Napakabait naman ng asawa ko, sasabihin lang nun bigyan mo na at ng tumahimik. (masahol pa kasi kay anabel rama ang nanay ko) Dito sumama ng matindi ang loob ko, 8 months na kasi ang tiyan ko and since nag lockdown tayo, lahat tayo ay kinapos sa pera. Pumunta siya sa bahay naming mag-asawa. Hinihingi ang porsyento niya kasi sumahod na kami para sa month of July. Sabi ko di muna ko makakapagbigay kasi malapit na ko manganak, kailangan namin ng budget. Galit na galit sa akin. Pinagmumura ako tapos puro kabastusan lumabas sa bibig. Nakatikim lang daw ako ng t*ti ay binalewala ko na sila. Kesyo madamot daw ako, makasarili. Di ko daw sila iniisip. Sinumbat pa ung pagpapalaki niya sakin simula pagkabata. Hayyy napaiyak na lang ako dahil di makaunawa ang nanay ko. Ako naman ay di madamot at maluhong anak. Kahit paano naman ay napaalwan ko ang buhay nila. Mag iisang taon pa nga lang akong kasal e. Siguro naman ako ay nakatulong na kahit paano. Wala pa nga masyadong gamit ang baby ko e.π’ Sama talaga ng loob ko.
Happy Mommy ??