MOTHER DEAR

Share ko lang po Simula ng nagtrabaho ako noong 21 years old ako, mas malaking porsyento pa ng sahod ko ang napupunta sa nanay ko. Siya ung tipo ng nanay na may pagkukusa. (pagkukusang humingi ng pera) Alam niya ang petsa ng sahod ko, nasa gate pa lang ako ay bubungad na yan ng "akin na ang sahod mo at may babayadan ako. " (Di uso sa family namin ang sweetness and saying thank you, sa reklamo ayan jan magagaling) Fast forward, I am now 28. Ganun pa rin ang nanay ko. Di ako makaipon mga mommy kasi may asawa at anak na ako pero parang naging obligasyon ko na na kalahati ng sahod ko ay laging sa kanya. Napakabait naman ng asawa ko, sasabihin lang nun bigyan mo na at ng tumahimik. (masahol pa kasi kay anabel rama ang nanay ko) Dito sumama ng matindi ang loob ko, 8 months na kasi ang tiyan ko and since nag lockdown tayo, lahat tayo ay kinapos sa pera. Pumunta siya sa bahay naming mag-asawa. Hinihingi ang porsyento niya kasi sumahod na kami para sa month of July. Sabi ko di muna ko makakapagbigay kasi malapit na ko manganak, kailangan namin ng budget. Galit na galit sa akin. Pinagmumura ako tapos puro kabastusan lumabas sa bibig. Nakatikim lang daw ako ng t*ti ay binalewala ko na sila. Kesyo madamot daw ako, makasarili. Di ko daw sila iniisip. Sinumbat pa ung pagpapalaki niya sakin simula pagkabata. Hayyy napaiyak na lang ako dahil di makaunawa ang nanay ko. Ako naman ay di madamot at maluhong anak. Kahit paano naman ay napaalwan ko ang buhay nila. Mag iisang taon pa nga lang akong kasal e. Siguro naman ako ay nakatulong na kahit paano. Wala pa nga masyadong gamit ang baby ko e.😒 Sama talaga ng loob ko.

46 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

almost 6yrs is enough na siguro. may sarili ka nang pamilya. dapat maintindihan nya na may priority kana. hindi obligasyon ng anak na magbigay sa magulang. pero dahil culture natin eto na nakasanayan. obligasyon ng magulang na arugain at papag aralin ang mga anak dahil sila nagdala neto sa mundo. hindi dapat eto sinusumbat. someday maiintindihan din yan ng nanay mo. give her time. once n makapanganak kana at nakaluwang continue mo bigyan sya ulit pero ung galing sa puso mo hindi sapilitan ng presyo gusto nya. may buhay kana rin. importante hindi m xa nakakalimutan.

Magbasa pa

Hala sya. Okay lang yan mommu sa ngayon ganyan talaga kasi nasanayan nya na e. Unang beses mo tanggihan. May family ka nang sarili syempre dapat yun ang uunahin mo. Di man sabihin man sayo ng hubby mo na okay yun syempre di rin maganda na kalahati ng pinagpuguran mo sa nnay mo mapupunta. Okay lang naman tumulong sa magulang pero kung may sobra lang. Ang anak di yan banko. Yan kasi pangit sa culture natin e yung iba mag aanak para gatasan anak nila pagdating ng panahon. Unahin mo muna si baby mo mas maganda parin may ipon ka just incase hayaan mo muna nanay mo po

Magbasa pa

Tapos na po yung responsibility mo sa family mo po. Meron kana rin sariling family and yan po yung dapat pagtuonan niyo po. Hayaan mong magalit yung nanay mo po kasi sa mata ng Diyos alam naman niya na nakatulong kana sa family mo. Hindi po obligasyon ng anak ang magulang pero since malaki yung utang na loob natin sa kanila kaya tayo tumutulong pero not in the sense na aabusohin kana rin. Kaya ganyan nanay mo kasi sinanay niyo po dapat nung nag asawa kana stop na po yung pagbibigay mo unless may sobra kayong mag asawa or emergency situation po.

Magbasa pa

hayaan molang magalit ang nanay mo at itigil mo na pagbibigay sa kanya monthly. magbjgay ka pag as in may sobra kalang. may family kana ayun muna isipin mo, nakasanayan kalang ng nanay mo n di ka umaalma, ok lang sana mung maayos ung trato nya sau at pag hingi nya ng lera. hayaan moxa sumbatan ka sa pagpapalaki sau , nag anak paxa kung hinde ka nya papalakihin responsibility nila un ng parents mo. wag k malungkot hayaan moxa hinde ganyan ang huwarang ina tiisin mo muna sila ,intindihin mo yang baby mo at pamilya mo

Magbasa pa

Hi momsh ganyan din ang buhay ko.. Since 20 nagwowork na ako until nag28. Ako half ng sahod ko binibigay ko sa mama ko. Wala din ako ipon.. Good thing mabait ang mama ko.. Hindi sya nanghihingi. Ngaun nagstop na ako ng sustento kasi nga no work na ako. Nastop ako cmula ng napreggy ako since I had a complicate pregnancy.. Hayaan mo na lang momsh since preggy ka din isipin mo muna si baby. Enough na yung years ng sustento mo.. May asawa at magiging anak ka na.. Think about sa future

Magbasa pa

Naku d naman obligasyon ng anak ang palaging pagsustento sa magulang d naman tayo pinanganak na mgng insurance nila in the future.. malakas pa ang nanay mo. Kaya p niyang kumita. Well, d lht ng magulang gnun mg isip in the future sana wag ka din maging katulad ng magulang mo. Mag ipon ka rin pra pagdting ng araw d ka mging pabigat sa anak mo. Dahil drting din ang araw magiging magulang din sila. Pasalamat na lang ako hindi ako napunta sa gany ng mgulang msydong crab mentality.

Magbasa pa

Swerte ko kasi d ganyan ang nanay ko.. Sya oa nga natulonh sakin ngaung pandemic lalo na sa panganay ko wala kasi ako maipadala sa pangany ko kasi d ako nag work ngaun.. Hnd namn ikaw selfish mommy try mo dn muna isipin ang baby mo ang nanay mo malaki na yab kaya na bya tumayo sa sarili nyang paaa... Try mong sariki mo naman at ang baby mo ang i focus mo.. Kung mahal ka talaga ng nanay mo she will understand u... Mukhang. Naging mukhang oera ang mama mo sorry to say that

Magbasa pa

Parang ganyan din dati mama ko. Naka budget na ung ibibigay ko sa kanya kaya kapag nde ka nakapagbigay aawayin ka nya. Hahaha.. Baon sila sa utang pero pag may extra pera imbes na ibawas sa inutang bibili ng luho.. sakit nila sa ulo. Take note.. may work pa si father ko at mas malaki ang sahod sakin pero kapos pa din. Tapos pinagkakalat pa sa iba naming kamaganak na nde ko sila binibigyan at kinocompare pa ako sa iba na may mga naipundar na para sa parents nila.

Magbasa pa

Toxic pinoy family culture. Magkanya-kanya na po kayo ng buhay. Magbigay ka lang ng kaya mo. Dapat panindigan mo at magmatigas ka na kung ano lang kaya mo ibigay dahil magkaka anak ka na. Yan ang ginawa ko umalis ako samin dahil kung hindi ay walang kapupuntahan ang sahod ko. Di ako nakaipon kakatulong sa kanila kaya nung mag-asawa ako hindi ako handa. Ngayon pa lang ako nagsisimula mag-ipon. Hayaan mo siyang magsalita ng kung ano-ano gang magsawa siya.

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan din sakin eh hehe ang pinagkaibahan naman sa mama at ate koπŸ˜… si papa walang problema sa kung ano lang kaya kong ibigay. Ate ko tinutulungan ko din minsan sakin din siya nanghihiram then nung nag asawa ako andami nilang sinasabi nung ndi ako nakapag bigay at nakapagpahiram ng pera sakanila! Parang isang beses lang ako ndi nakapagbigay madamot na ako agad😏 si mama minsan sisimangutan kami at magdadabog. Buti pa si papa naiintindihan ako.

Magbasa pa