Gustong Magpakalayo Layo
Sorry mga moms ?palabas lang po na sama ng loob hinde na ako makahinga sa sobrang bigatt ng Dibdib ko 3 months ko na itong iniinda?nung nagrad ako ng college last 2012 epipitition sana ako ng ate ko sa US pero dahil hinde ganun kadali makuha ako nag-apply mona ako abroad.. Then biglang nakilala ko ung asawa ko ngayon! Nung una hinde pa ako gaano inlove sa kanya dahil focus ako sa Pangarap ko kaso hinde ko na napigilan tuluyan ng nahulog ang loob ko sa kanya hangang sa minahal ko siya ng sobra kaya nagdecesion akong huwag na tumuloy mag-abroad at dito nalang magwork sa Pilipinas.. Nagsama kami as LIP nung dito na siya nagwork sa manila after ng isang taong na LDR kami nung una masaya kami ramdam ko ung pagmamahal niya kaya mataas ung tingen ko sa kanya at tiwala akong hinde niya ako lolokohin pero ilang buwan palang siya sa trabaho niya may katextmate na agad siya at pinalita pa niya ng name ng panlalaki buti at nahuli ko agad pero sinabi niya na wala naman daw siyang nararamdaman dun sa girl kaya lang daw niya pinalitan ung name dahil baka daw ano isipen ko na may nagtetext sa kanya na officemate niya nagpapaturo daw kc ung babae sa work nila sa site. Huminge siya ng sirry at nagmakaawa na patawarin ko dahil sa pagpalit niya sa name alam niya na un daw ang mali niya.. Hirap ko siyang patawarin pero dahil mahal ko siya hinde ko siya iniwan pibagresign no siya sa trabaho niya at ginawa naman niya un at naging kampante na ako kahit papaano umabot na kami ng 7 years saka kami nagpakasal ng Civil Marriage.. Pero ning Jan.. Saka ko naman nalaman na may nakaone night stand pala siya sa isa sa ka officemate niya minsan na namin un pinagawayan dahil ramdam ko na nilalande siya nung babae pero sabi niya may asawa daw ung babae kaya senearch ko sa facebook may asawa nga at hinde naman maganda ung babae kaya tinanggal ko sa isip un at pinairal ko sa isip ko na hinde kayang gawin ng asawa ko dahil ang pagkakilala ko sa kanya ay may respeto siya sa sarili niya... Kaya para akong binuhusan ng kumukulong tubig nung nalaman kung may ngyari sa kanila lasibg daw sila nun kaya hinde na niya alam ang ngyari! Nabas ko ung convo nila na hinde katanggap tangap kahit hanggang ngayon naiisio ko mga ginawa nila at mga sinabi niya! Nagmakaawa ang asawa ko na patawarin siya ung mga sinabi daw niya sa babae ay hinde daw siya seryoso ginagago lang din daw niya kc hinde namn daw matino ung babae! Wala daw silang relation! Pero dahil sa ginawa niya nalaman ko na lahat na ang tagal na pala niya akong ginagago nakikipaglandian sa ibat ibang babae para sa kanya mahilig lang daw talaga siya makipagkaibigan sa babae! At ngayon aminado siya na mali siya at gusto niyang ayosin ung relation namin! Ang hirap ko siyang patawarin dahil niloko niya ako ng mahabang panahon at kung alam ko lang ung ginawa niya bago pa kami nakapagpakasal HINDE AKO MAGPAPAKASAL SA KANYA dahil sa una palang sinabi ko sa kanya na kung gagawa siya ng hinde katangap tangap ay umalis na mona siya sa buhay ko dahil hinde ko kakayanin! Ngayo doble ung sakit na nararamdaman ko sobramg sakit ?hinde ko siya kayang patawarin hinde ko na alam kung meron pabang totoo sa pinapakita niya sa akin! Kaya gusto kong magpakalayo layo na at tuluyan na siyang iwan! Pero hinde ko alam kung saan ako pupunta dahil wala akong Pamilya na mapuntahan! ?